Alden nakabawi sa mga pagkukulang sa pamilya ngayong may pandemya | Bandera

Alden nakabawi sa mga pagkukulang sa pamilya ngayong may pandemya

Ervin Santiago |September 30,2020
facebook
share this

Alden nakabawi sa mga pagkukulang sa pamilya ngayong may pandemya

Ervin Santiago - September 30, 2020 - 11:49 AM

NANG dahil sa pandemya, nakabawi nang bonggang-bongga ang Kapuso Drama Prince na si Alden Richards sa kanyang pamilya.

Ayon kay Alden, kung maraming negatibong epekto sa mundo ang COVID-19 pandemic, may magaganda at inspiring pa rin namang nangyari kahit paano sa buhay ng mga Pinoy.

Para sa Asia’s Multimedia Star, isa sa mga positibong naging epekto ng pandemya sa kanya ay ang  pagkakaroon niya ng panahon na makasama ang pamilya.

“Ang ganda rin kasi, the beauty in the community quarantine was nagkaroon ako ng time sa sarili ko, nagkaroon ako ng time sa pamilya ko which is nawala for the past five, seven years.

“I don’t know, eight years na yata na lagi akong nasa labas, sobrang workaholic,” pahayag ni Alden sa panayam ng “Mornings with GMA Regional TV.”

Aniya pa, “Mas tiningnan ko kasi ‘yung mga magagandang effect and magagandang bagay na nangyayari ngayon as supposed to the negative ones. Kasi kung sa negative sobrang dami, made-depress ka lang.”

Lahad pa ng award-winning actor, “‘Yung magandang effect niya was that na-mend ko ‘yung mga, I should say really, pagkukulang ko, especially sa time sa pamilya ko. ‘Yun ‘yung nabawi ko at this time.”

Aminado rin naman ang Pambansang Bae na na-experience rin niya ang magkaroon ng anxiety at matinding pagkabahala lalo na noong kasagsagan ng lockdown dulot ng COVID-19.

“Mahirap talag. Nandiyan ‘yung depression, andiyan ‘yung anxiety, andiyan ‘yung ‘Paano bukas? Paano kung tumagal ito?’ Sobrang naapektuhan ang buong ekonomiya ng pagkatao ko dito.

“But at the end of the day ang kalaban mo lang talaga dito, aside from COVID, is yourself.

“Kung paano mo titingnan ‘yung sitwasyon, kung paano mo siya malalabanan, kung paano ka babangon everyday at sasabihin mong ‘Makakaya ko ito.’

“Siguro ang tumulong talaga sa akin is really faith ko sa Diyos. So I’m looking forward to that day when this experience will all be a distant memory and masasabi ko na nakaya ko ‘yung pandemic,” ang pahayag ng binata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, siguradong tuwang-tuwa rin ngayon si Alden dahil napakainit ng pagtanggap ng manonood sa bago niyang drama series sa GMA Telebabad na “I Can See You: Love On The Balcony.”

Magaganda ang natanggap na comments at feedback ng buong production mula sa netizens na sumusubaybay dito, lalo na sa tambalan nina Alden at Jasmine Curtis.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending