Billy napahagulgol sa harap ni Vice: Ipaglalaban ko kayo nang patayan! | Bandera

Billy napahagulgol sa harap ni Vice: Ipaglalaban ko kayo nang patayan!

Ervin Santiago |September 30,2020
facebook
share this

Billy napahagulgol sa harap ni Vice: Ipaglalaban ko kayo nang patayan!

Ervin Santiago - September 30, 2020 - 10:21 AM

GRABE ang hagulgol ni Billy Crawford nang magkausap sila ni Vice Ganda at “magpaalam” sa pag-alis niya sa ABS-CBN.

Hindi na napigilan ni Billy ang maiyak nang magbigay ng message sa kanya si Vice sa nakaraang episode ng online show na “Gabing Gabi Na Vice”.

Talagang nagkaiyakan ang magkaibigan habang nagkukuwentuhan tungkol sa mga bagong ganap sa buhay ni Billy kasama ang asawa nitong si Coleen Garcia at ang bagong panganak nilang panganay na si Baby Amari.

Sa isang bahagi ng video, pinatunayan ng TV host-comedian kung gaano kabuting tao at kaibigan si Billy, “Mukha lang tarantado ‘yan, pero mabait ‘yan. Mabait ‘yan sa mga taong mahal niya.

“Kapag mahal niya, mabait siya. Kasi sa akin nga, a, bestie-bestie niya ako, napakabait.

“Mahal na mahal ako niyan. Hindi ‘yan papayag na makakanti ako, e, paano pa kay Coleen? Ano pang kaya niyang gawin kay Coleen? Anong puwede niyang gawin kay Coleen?

“Ano pa yung puwede niyang gawin sa anak niya, e, sa akin nga todo na, e. Todo sa akin ‘yan.

“Ibang level siya…ang gagawin niya for you. Ang dami niyang love for everyone he loves, di ba? We support you,” pahayag ni Vice.

Dito nagsimulang tumulo ang luha ni Billy, “I love you, Vice. Tatandaan mo ‘yan, wala akong pakialam kung anong sabihin ng kahit kanino, basta kayo, alam niyo kung sino kayo, ipaglalaban ko kayo nang patayan, Vice.”

Sagot naman sa kanya ni Vice, “’Tsaka huwag ka na umiyak. Manatili kang masaya at mapayapa. At huwag mo kaming isipin at huwag mong isipin din yung ibang tao, ang mahalaga kayong tatlo.”

Sey naman ni Billy, “I just wanna say thank you. Thank you sa pakikipagkaibigan mo sa akin. Trust me, kahit anong mangyari, tatawagan pa rin kita at sasabihin ko, ‘Ikaw pa rin ang pinaka-number one bitch sa buong buhay ko.’ I love you.”

“I love you at gagalingan mo sa mga gagawin mong trabaho at alam mo, sa pamilya, di ba, sa pamilya meron kang kapatid na lilipat ng bahay.

“Pero hindi porke’t lilipat siya ng bahay, hindi mo na siya kapatid, hindi mo na siya kapamilya. Hindi mo na siya mahal,” ang chika pa ni Vice kasabay ng pahapyaw niyang pahayag na very soon ay lilipat na nga ng network ang TV host.

“Maaaring lumipat siya ng bahay, pero family pa rin tayo. Kaya kahit lumipat ka ng bahay, kahit saang bahay man tayo magpunta, magkakapamilya, family kita, at mahal na mahal kita.

“Kahit na magkatapat man yung mga bahay natin, family tayong dalawa, di ba? Magkakawayan tayo dun sa magkakatapat nating bahay. At susuportahan natin ang isa’t isa,” ani Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya naman mas lalo pang naiyak si Billy, “Mahal na mahal ko kayo. Mahal na mahal ko kayo.”

Isa ang mister ni Coleen sa mga Kapamilya stars na nakatakdang mag-ober da bakod sa TV5. Isa nga sa unang magiging proyekto niya sa Kapatid network ay ang Pinoy version ng sikat na reality show na “Masked Singer”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending