Barbie ginulat ang direktor sa akting na wala sa script; Gabbi insecure noon sa pagiging morena | Bandera

Barbie ginulat ang direktor sa akting na wala sa script; Gabbi insecure noon sa pagiging morena

Ervin Santiago |September 30,2020
facebook
share this

Barbie ginulat ang direktor sa akting na wala sa script; Gabbi insecure noon sa pagiging morena

Ervin Santiago - September 30, 2020 - 09:14 AM

INAMIN ng Kapuso actress-singer na si Gabbi Garcia na isa sa mga insecurity niya noon ay ang kulay ng kanyang balat.

Sa isang YouTube vlog, inamin ng Kapuso Global Endorser na naging issue sa kanya ang pagiging morena nang pasukin na niya ang mundo ng showbiz.

“Kasi nu’ng high school ako, parang, I didn’t care that much about skin color. Parang wala lang siya sa akin.

“Tapos nu’ng pumasok ako sa industry, doon ko talaga na-figure out na in the industry, maraming mga sabi-sabi, or people who are gonna say na, ‘Alam mo kailangan mo magpaputi para makakuha ka ng ganito’ or ‘mas okay kapag maputi ka,’” chika ng dalaga.

Pero dahil dito, mas natutunan niyang mahalin ang kanyang sarili at kung ano ang kanyang itsura, “Doon ko na-realize the importance of loving yourself and your skin color, na hindi ka magpapa-sway sa ibang tao.”

Samantala, patuloy na napapanood si Gabbi sa rerun ng “Encantadia” gabi-gabi pagkatapos ng “24 Oras” sa GMA Telebabad.

* * *

Na-miss daw talaga ng Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza ang pag-arte.

Kaya naman magkahalong excitement at nerbiyos ang naramdaman niya nang ipaalam sa kanila na balik-taping na ang serye nilang “Anak ni Waray vs Anak ni Biday.”

“Actually, mayroong isang eksena, mabigat kasi siya, revelation scene siya, one of the many revelation scenes.

“Tapos maraming eksena din siya eh, tatlo o apat na eksenang magkakasunod, ‘four-hog’ ang tawag namin.

“After noon, kinausap ako ni Direk Mark (dela Cruz), sabi niya ‘Beh, na-miss mo umarte, noh?’ Kasi parang ang dami kong ginawa sa apat na eksenang ‘yon na wala naman talaga sa script.

“Pero ‘yon, nakakatuwa lang kasi na-miss ko ‘yung ganoon. ‘Yung talagang going with the flow of the scene, ‘yung madadala ka sa eksena,” kuwento ni Barbie sa interview ng GMA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa ng dalaga, “Parang nawala sa isip namin ‘yung pandemic na nangyayari, parang bumalik kami lahat sa istorya. Ang sarap sa feeling, napaka-fulfilling niya.”

Maraming fans ni Barbie ang excited na sa pagpapatuloy ng kuwento ng  “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday” kaya abangan ang nalalapit nang pagbabalik nito sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending