Pinoy gay series na 'My ExtraOrdinary' hahataw sa China; iba pang digi platforms pinakyaw | Bandera

Pinoy gay series na ‘My ExtraOrdinary’ hahataw sa China; iba pang digi platforms pinakyaw

Reggee Bonoan - September 25, 2020 - 03:26 PM

ANG tarush ng BL o Boy’s Love series na “My ExtraOrdinary” dahil sa Linggo, Set. 27, 11 p.m. eere na ito sa TV5 at TV5 website pati na sa WeTV, iFlix, YouTube at GagaOOLala at FilmCity.

Tinanong namin kung bakit hindi pa isinama ang Netflix sa pagpapalabasan ng BL series nina Darwin Yu, Sam Cafranca, Z Mejia, Karissa Toliongco, Jojit Lorenzo, Yayo Aguila at Enzo Santiago produced ng Asterisk Digital Entertainment.

Nabanggit pa sa amin ng isang taga-Asterisk na ang “My ExtraOrdinary” ang unang BL series na ipalalabas sa WeTV sa China na may malaking market.

Ayon pa sa kuwento ay nabili raw ng mga nabanggit na platforms ang rights ng “MEO” at since blocktimer ito kaya hindi makikialam ang TV5 na bukod sa kanila ay mapapanood pa ito sa ibang platforms.

Ang sabi sa amin, “Bawat platform ay ibat-ibang pag-render ng video.”

Sabi namin na hindi pa man naipalalabas ay nakabawi na ang producer nina Darwin at Enzo sa series nila dahil lahat pala ay nakapagbigay na ng paunang bayad at take note malaki ito.

Dagdag pa, “Kaya mga movies kahit flop sa sinehan, bumabawi sa Netflix at ibang apps (platforms).”

Noong 2019 pa raw nag-apply ang Asterisk Digital Entertainment sa mga nabanggit na platforms kaya sabay-sabay daw sumagot ngayong 2020.

Kaya naman nakapila na ang next project nila tulad ng “A Kiss 2 Remember” na pagbibihadan nina Z Mejia, Christine Lim at dalawang aktor na hindi pa puwedeng pangalanan.

Sunod ang “Boys Next Door Bida” na ang bida ay sina Darwin Yu at Enzo Santiago ng “My Extraordinary” at ang aktor na kasama sa “A Kiss To Remember” sa direksyon ni Fifth Solomon.

Ikatlo ang “Meet Me in Bangkok” na pagbibidahan ng dalawang Kapamilya actors na hindi pa rin puwedeng i-reveal ang names at kilalang Thai Actor kaya lilipad ang grupo para mag-shoot sa Bangkok, Thailand kaya inaayos na ang mga kakailanganing papeles at titirhang hotel doon dahil first quarter ng 2021 ito sisimulan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending