Angel, Alessandra, ABS-CBN suportado ang pagdedemanda ni Liza laban sa basher | Bandera

Angel, Alessandra, ABS-CBN suportado ang pagdedemanda ni Liza laban sa basher

Ervin Santiago - September 25, 2020 - 09:48 AM


SUPORTADO ng ABS-CBN ang pagsasampa ng kaso ni Liza Soberano laban sa taong nagsabing ang sarap daw niyang ipa-rape.

Naglabas ng official statement ang Kapamilya Network matapos maghain ng criminal complaint ang young actress sa empleyado ng isang internet service provider.

Personal na nagsampa ng demanda si Liza sa Quezon City Prosecutor’s Office kasama ang manager niyang si Ogie Diaz at ang legal counsel nilang si Atty. Jun Lim.
Ani Liza, “I think it is about time that people learn the consequences of speaking like that on social media.

“There are consequences to everything, like rape jokes, because that is not a light matter,” dugtong pa niya.

Narito naman ang statement ng ABS-CBN, “Sinusuportahan ng ABS-CBN at Star Magic ang hakbang ni Liza Soberano na magsampa ng reklamong libel, threats, at unjust vexation sa Office of the City Prosecutor laban sa taong nag-post ng mapanirang komento tungkol sa kanya at nagbantang ipapa-rape siya.

“Ang malisyosong paggamit ng social media ay hindi dapat na pinalalampas. Hindi dapat na ginagawang biro ang rape.

“Hinahangaan namin ang katapangan ni Liza na ipagtanggol ang kanyang sarili at protektahan ang dignidad niya bilang babae.

“Sana ay maging aral ito sa lahat na maging responsable sa paggamit ng social media at irespeto ang iba,” ang buong pahayag ng ABS-CBN.

Samantala, nagpahayag din ng kanilang paghanga at suporta kay Liza ang mga kapwa celebrities kabilang na sina Angel Locsin at Alessandra de Rossi.

Ni-retweet ni Alessandra ang isang news item tungkol sa pagsasampa ni Liza ng kaso laban sa netizen na siyang nasa likod ng viral rape joke at sinabing dapat lang itong managot at turuan ng leksyon.

“Matuto lang galangin ang isa’t isa online. Lesson na ito para sa lahat. Salamat, Liza. ‘kaso’ is not good and magastos pa,” mensahe ni Alessandra.

Patuloy pa niya, “So think before you make a nasty remark. Wala naman may kayang magsabi nun in person, lalong wag mo gawin online kung saan may ebidensya.”

Sumunod namang ni-retweet ni Angel ang post ng kaibigan niyang si Alessandra.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa isa pa niyang Twitter post tinag pa ng aktres si Liza sa kanyang mensaheng, “Mahigpit na akap @lizasoberano [hugging face emoji].” Na sinagot naman ni Liza ng tatlong hugging face emoji.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending