Para kay Angelica 'frontliner' din ang mga artista; umaming napraning habang naka-lockdown | Bandera

Para kay Angelica ‘frontliner’ din ang mga artista; umaming napraning habang naka-lockdown

Reggee Bonoan - September 20, 2020 - 03:13 PM

FEELING ni Angelica Panganiban ay isa rin siyang frontliner kasama ang iba pang artistang bumalik na sa pagtatrabaho kahit meron pang pandemya.

Nang makausap namin siya sa virtual presscon ng “#AskAngelica” sinabi niyang “frontliner” din siya dahil nagtatrabaho silang mga artista na walang suot na face mask at face shield kapag nasa harap na sila ng camera.

“Hindi naman sa ikinukumpara ko ‘yung sarili ko sa mga frontliner kasi iba rin naman ang trabaho nila, para rin akong na-remind, kasi kapag nasa set ka lahat ng tao naka-mask pa rin, social distancing pa rin but kaming mga artista kami ‘yung nagtatanggal ng mask, parang mas risky ‘yung ginagawa namin,” paliwanag ng aktres.

“Siyempre, lahat naman ng safety protocols ginagawa naman ng ABS kaya makakampante ka naman, sa umpisa lang medyo (mapapaisip ka), ganito na ba kahirap ang buhay para gawin ko ito? Walang-wala na ba ako, bakit ko ito pinasok?

“So, eventually talagang mag-sanitize ka after, be mindful, ‘yun ang mahirap at siyempre mas maraming load ang trabaho kasi limited ang mga galaw, limited ang oras.

“Kasi dati kung nagwo-work kami ng 16 hours, ngayon sandaling-sandali na lang talaga kasi mas kailangang makapagpahinga. Kasi kami lalagnatin lang, wala na,” paliwanag ng aktres.

Alam naman pala ni Angelica na delikado ang magtrabaho ngayong panahon ng pandemic kaya natanong kung paano siya napa-oo.

“’Yung project naman mismo ay maganda and may ganu’n ako na ayaw ko ng question mark na what if? Pag napa ‘what if’ na ako, ibig sabihin gusto ko at pag-iisipan ko ‘yung project.

“Siguro na-challenge rin ako kung paano magtrabaho sa ganito (new normal) para rin masabi ko na na-experience ko magtrabaho sa pandemic?” paliwanag ng dalaga.

“Siguro kasi kaibigan ko rin ang mga kasama ko like sina Zanjoe (Marudo), si Cherie Pie (Picache), Paulo (Avelino), Arci (Muñoz), JC (Santos), so sabi ko okay sige, masaya naman siguro magtrabaho kapag mga barkada rin ang kasama mo,” paliwanag ng aktres na ang tinutukoy ay ang seryeng “Walang Hanggang Paalam” na mapapanood na sa Set. 28.

Sa mga unang buwan ng quarantine ay nag-breakdown si Angelica dahil hindi niya alam ang gagawin lalo’t wala siyang kasama sa bahay, pero inamin niyang na-realize niyang kaya pala niyang mag-isa.

“Nu’ng unang linggo (lockdown), ang scenario kasi was galing kami ng Dubai, nag-shoot kami ng movie with Coco (Martin). Pag-uwi ng Manila lockdown na, wala akong pagkain sa bahay kasi galing akong abroad, eh. Talagang mag-uubos ka ng food kaysa masira.

“So pagbalik ko ng bahay ko, wala akong pagkain, so mag-isa lang ako, though si Ketchup (Eusebio) nag-quarantine sa akin for two weeks bago siya umuwi sa family niya.

“So, nu’ng nadito pa siya okay pa (ako). Pero nu’ng ako na lang, talagang tumawag na ako sa mga boss (ABS-CBN), e, kasi galing ka ng Dubai, galing ka ng eroplano, so hindi ko alam na kapag nagkaroon ka ba ng COVID mamamatay ka ba agad o ano ‘yung survival rate, di ba?

“Doon siguro ako nag-breakdown, madaling araw tinatawagan ko mga boss ng ABS, napakakapal ng mukha ko. Ha-hahaha!

“Gusto ko kasi ng sagot at sino ba ang responsible sa amin kasi siyempre sila ‘yung nagdala sa amin abroad tapos biglang nagkaroon ng pandemic. Sila (management) ba ‘yung magpapa-swab o kami, kasi mental health ko na ang napapraning.

“Okay naman kumalma naman ako nu’ng may nakakausap na akong mga doktor na as long as nasa loob lang ng bahay, ‘wag talagang matigas ang ulo. Sinunod ko naman nang pagkatagal-tagal, naka-survive naman ako at nakapag-adjust na rin,” sabi pa ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang #Ask Angelica ay simula na sa Set. 25, 8 p.m. at sina Kim Chiu at Bela Padilla ang special guest na mapapanood sa social media accounts ng ABS-CBN Films (Star Cinema and Black Sheep), YouTube channels ng Sinehub at MyChos, Kapamilya Online Live streams at Kumu. May delayed telecast din ito sa Cinema One at Jeepney TV.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending