Scam alert: DepEd walang pa-contest ng libreng laptops at cellphones

By Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer September 18,2020
share this

Scam alert: DepEd walang pa-contest ng libreng laptops at cellphones

By Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer September 18,2020 - 04:44 PM

Pinag-iingat ng Department of Education (DepEd) ang publiko sa mga kumakalat na scam na naghihikayat sa mga tao na sumali sa anumang contest upang mabigyan ng DepEd ng libreng laptops at cellphones.

Ayon sa pahayag ng DepEd, hindi ito namimigay ng free wifi at gadgets sa pamamagitan ng anumang online giveaway, raffle draw, o contest.

Ang learning continuity packages na donasyon ng LGUs at partners ay ipinamamahagi sa mga mag-aaral at mga guro sa pamamagitan ng DepEd regional and division offices at mga paaralan.

Maaaring i-report ang mga scam na may kinalaman sa pagbubukas ng klase sa [email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending