Juliana Gomez agaw-eksena sa swimsuit photo; netizens napa-wow

By Ervin Santiago September 18,2020
share this

Juliana Gomez agaw-eksena sa swimsuit photo; netizens napa-wow

By Ervin Santiago September 18,2020 - 04:09 PM

GINULAT ng anak nina Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez na si Juliana Gomez ang madlang pipol nang bumandera ang kanyang sexy photos sa social media.

Napa-wow ang mga netizens nang makita ang mga litrato ng dalaga na kuha sa isang beach resort kung saan kasama niyang nagbakasyon ang ilang kaibigan.

Sa kanyang Instagram page, ipinost ng 20-year-old na dalaga ang kanyang mga litrato suot ang kanyang agaw-eksenang mga swimsuit bikini.

Isa na rito ang blue two-piece swimwear habang may hawak siyang buko na talagang pinusuan at ni-like ng libu-libo niyang followers.

Sa isa namang photo ay makikita si Juliana suot ang kanyang black bikini with white top.

Halos lahat ng nabasa naming comments sa IG posts ng anak nina Goma at Lucy ay puro positibo at papuri. Anila, habang tumatagal ay mas lalo pang gumaganda at sumeseksi ang dalaga.

Kamakailan lang ay nag-celebrate ng kanyang 20th birthday si Juliana at nagpasalamat sa lahat ng blessings na natatanggap niya sa buhay sa pamamagitan ng IG.

“Hello 20. I’m grateful for everyone and everything in my life,” aniya.

Ito naman ang mensahe kay Juliana ng kanyang ama, “Now that you are 20, you now have bigger responsibilities to handle. Make decisions that will make your heart happy. I love you!”

May mga netizens ang nagkomento na sana’y pasukin na rin ng dalaga ang pag-aartista dahil siguradong namana raw niya ang galing sa pag-arte ng kanyang tatay.

Pero meron ding nagsasabi na mas okay kung mananatili na lang pribado ang buhay ni Juliana para mas makagalaw siya nang normal tulad ng mga anak ng mga sikat na mas piniling lumayo sa makulay ngunit magulo at maintrigang mundo ng showbiz.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending