Municipal trial court sa Nueva Ecija sarado dahil sa Covid-19

By Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer September 18,2020
share this

Municipal trial court sa Nueva Ecija sarado dahil sa Covid-19

By Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer September 18,2020 - 04:52 PM

Nagpatupad ng physical closure sa Municipal Trial Court in Cities (MTCC) Branch 1 ng San Jose City sa Nueva Ecija.

Sa memorandum na inilabas ni Executive Judge Leo Cecilio Bautista, ang pagsasara ay simula ngayong araw hanggang sa Sept. 21.

Ito ay makaraang magpositibo sa COVID-19 ang isang empleyado ng korte.

Sasailalim sa dinsinfection ang korte at lahat ng staff nito ay inaatasang mag-work from home.

Maari pa ring ma-contact ang korte sa pamamagitan ng hotline numbers at email accounts.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending