Talak ni Angelica sa mga iniwan: May iba na nga, eh! ‘Wag kang umeepal!

By Reggee Bonoan September 18,2020
share this

Talak ni Angelica sa mga iniwan: May iba na nga, eh! ‘Wag kang umeepal!

By Reggee Bonoan September 18,2020 - 02:53 PM

NAKASISIGURO na kaming magki-click ang digital show ni Angelica Panganiban na “#AskAngelica”mula sa Star Cinema na puwedeng pag-usapan anything under the sun.

Noon pa sinabi na namin na bagay kay Angelica ang maging talk show host dahil bukod sa funny siya ay taklesa pa, marami siyang mga anecdotes na puwedeng i-share lalo na pagdating sa buhay pag-ibig dahil sa rami ng naranasan niyang saya at pait nito.

Tawang-tawa kami sa teaser ng #AskAngelica dahil tinanong kung ano ang gagawin niya kapag nalaman niyang may iba na ang lalaking mahal niya.

Paulit-ulit niyang binabanggit ang, “Iba! Iba! Iba!”

Sunod na tanong, “Gusto mo bang iwan niya ang present niya o ikaw na lang ang lalayo?”

Ang payo ng aktres na digi host na ngayon, “May iba na nga, eh! ‘Wag kang umeepal! Lumayo ka, gawin mo kung ano ang tama.”

At heto, may pa-blind item pa si Angelica kung saan tawa siya nang tawa, “Meron pang isang tsismis di ba? ‘Yung may asawa na nilandi itong bilat, itong bilat naman nagpalandi naman kawawa naman di ba ‘yung may asawa (babae).

“Tapos nakipagtagisan pa raw. Hindi maganda kasi, kapag meron na, meron na! Hindi naman tayo mauubusan ng lalaki at saka kung hindi para sa ‘yo, hindi sa ‘yo.
‘Wag tayong taeng-tae sa lalaki.

“Pag meron na. iwas (na), huwag kang tatanga-tanga. Mali ang pumasok sa isang relasyon na meron kang maapakang tao. Hindi ‘yun maganda, never iyon naging maganda,” talak ng aktres.

Hmmmm, curious kami sa pa-blind item na ito ni Angge dahil parang true to life experience niya ito, ah?

Hmmmm, tatanungin namin siya bukas sa pa-virtual mediacon ng Star Cinema para sa bagong show na ito, kung sino itong blind item niyang may asawa na at kung tama ang hula namin.
Anyway, isa siguro si Angelica sa napuri ni Direk Laurenti Dyogi na hindi iiwanan ang ABS-CBN kahit na ano ang mangyari.

Sabi ng Entertainment head ng ABS-CBN, ‘”Ang magandang balita pong natanggap namin ay marami kaming nakausap na mga artista na they will stay loyal and they will stick it out with the Kapamilya network hanggang ito po ay makabangon, tutulong po sila sa pagtaguyod hanggang sa pagbangon ng bagong ABS-CBN.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending