Mata ni Aiko natusok ng kuko ni Maja sa taping, muntik nang mabulag | Bandera

Mata ni Aiko natusok ng kuko ni Maja sa taping, muntik nang mabulag

Reggee Bonoan |September 14,2020
facebook
share this

Mata ni Aiko natusok ng kuko ni Maja sa taping, muntik nang mabulag

Reggee Bonoan - September 14, 2020 - 04:17 PM

MUNTIK na palang mabulag si Aiko Melendez habang ginagawa ang teleseryeng “Wildflower” sa ABS-CBN.

Hindi sinasadyang nasundot ni Maja Salvador ng mahaba nitong kuko ang mata ng aktres base sa kuwentuhan nila sa “Reunion of 4 Witches” vlog sa kanyang YouTube channel.

Ginampanan ni Aiko sa serye ang karakter na Gov. Emilia Ardiente-Torrilo habang si Maja naman ay si Ivy Aguas/Lily Cruz-Torillo. Ilang programang katapat nito ang pinadapa nila sa ratings game.

Ikinuwento ni Aiko na bilib siya kay Maja dahil ayaw nitong magpadobol sa mga delikadong eksena, “At kahit pagod na pagod na ay talagang tatapusin niya ang lahat ng eksena.”

Hirit naman ni Maja, “Oy hindi lang ako, dumudugo na ang mata mo, ayaw mo pang i-pack up, eh.”

“Kasi natusok mo ako ng kuko, pero doon tayo naging close ‘no? Aksidente naman ‘yun na natusok mo ang mata ko,” sabi niya kay Maja.

“Yung cake scene ‘yun hindi naman sinasadya kasi ganu’n ka-intense ‘yung ‘Wildflower’ kasi mahaba ‘yung kuko niya, muntik na niya akong mabulag kaya hindi kita makakalimutan, Maja, eh,” natatawang sabi ni Aiko habang tawa naman nang tawa si Maja.

At ang dahilan kaya ayaw ipa-pack up ni Aiko ang taping ay dahil pag inulit ang eksena ay baka ang kaliwang mata naman nito ang tamaan.

“Ang hirap na rin nu’ng eksena so I just want to finish it,” sambit ng aktres.

Sa tanong ni Aiko kung ano ang secret ng “Wildflower” kung bakit sila nag-click sa manonood, “Siguro kasi lahat ng cast very passionate sa character nila,” saad ni Maja.

Bumibitaw daw kasi lahat ng cast sa tunay nilang pagkatao at ang karakter nila sa serye ang makikita ng lahat.

Ibinuking din ni Aiko na conscious lagi sa pananamit niya si Maja, “Ano ‘yan si Maja fashion police kunyari pangit ‘yung damit na suot ko, ‘ate Aiko palitan mo ‘yang suot mo kasi ang taba mo diyan’ e, di ba kasi ang taba ko naman din naman,” say ng aktres.

Ayon kay Maja, wala raw kasing pakialam si Aiko kung anong ipasuot sa kanya ng stylist at ng nag-iilaw sa kanya, “Hindi niya kasi tsine-check kung okay ba yung damit, ilaw niya, so parang ako ‘yung (nagbabantay), pag off na ‘yung combination, pag hindi na naaalagaan ‘yung damit.

“Kasi ate may mga outfit tayo na minsan mararamdaman mo yung scene dahil sa damit na ‘yun.  Kaya pag palabas na tayo ng banyo, hindi ako nagdadalawang-isip at wala akong pakialam kung ma-bad trip ‘yung stylist natin.”

“Totoo ‘yan, ako naman magpapalit kasi alam kong she has the eye,” saad naman ni Aiko.

Malaking tulong din daw sa mga eksena nila na bago nila gawin ang tarayan ay nag-uusap muna sila, “It pays talaga when your friends in real life,” sabi pa ni Aiko.

Ano naman ang famous line ni Lily Cruz o Ivy Aguas na puwede niyang sabihin sa boyfriend niyang si Rambo Nuñez, “’Wag ako!” tumawang sabi ng aktres.

“Was Rambo the one?” tanong ni Aiko kay Maja.

“Parang lahat tayo ipinagdarasal natin ‘yun. Ito ‘yung time na parang sobrang gaan ng lahat,” saad ng dalaga.

At pinuri naman ni Aiko si Maja dahil halatang at peace at kahit walang ayos ay kitang-kita na glowing siya.

“Nakita ko kasi kay Rambo na mahal na mahal ka niya at mabuting tao ka rin naman kasi,” say ni Emilia kay Ivy.

Isa pang pambubuking ni Aiko kay Maja ay mabait siya sa fans lalo na kapag out of town shows, “Kapag may shows kami out of town at may mga guard kaming kasama at may fan na lalapit pinagbibigyan niya as much as she can.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pareho kami ng outlook sa buhay na hindi ko naman makikita na sila bukas kaya hayaan n’yo silang lumapit.  Kaya naman kung nasaan si Maja Salvador ‘til now kasi mabait siya sa fans.”

Dagdag pa, “Sa Wildflower walang pasaway sa atin di ba, kaya tumagal ‘yung show natin.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending