Gamefowl federation nanawagan kay Duterte: Payagan na muli ang sabong sa bansa | Bandera

Gamefowl federation nanawagan kay Duterte: Payagan na muli ang sabong sa bansa

Karlos Bautista - September 14, 2020 - 10:13 AM

Nananawagan ang gamefowl sector kay Pangulong Rodrigo Duterte na payagan na muli ang operasyon ng mga sabungan sa bansa.

Sa isang pahayag na inilabas ngayong Lunes, sinabi ng International Federation of Gamefowl Breeders Association, Inc. (FIGBA) na may sapat na safety measures na isinasagawa ang industriya para masigurong ligtas ang kanilang aktibidad sa buong bansa.

Katunayan, ikinatwiran pa ng FIGBA na mas ligtas pa ang kanilang operasyon kesa sa mga facial at wellness center na pinayagan na ng pamahalaan na magbukas sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine dahil sa Covid-19

Sinabi ng FIGBA na ngayon lamang sila hihingi ng pabor sa pamahalaan at minabuti nilang umapila kay Duterte matapos na ang kanilang hiling na pahintulutang nang magbukas ang mga sabungan ay di pinakinggan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

“We are law-abiding game fowl breeders that rely on the sense of judgement and fairness of the officials who composed the IATF. Letters after letters since last June have been sent by us to various concerned agencies outlining our assurances for the safe conduct of our culture-indoctrinated sports called ‘sabong,’ but have gone unacted,” ayon sa FIGBA.

“Our last recourse now would be to appeal for President Rodrigo Duterte’s imprimatur,” pahayag pa ng  20-year old na pederasyon na binubuo ng may 42 provincial game fowl breeders’ associations sa Pilipinas.

Umaabot sa 1,210 na mga sabungan ang nagsara sa buong bansa mula pa nang magsimula ang quarantine noong Marso.

Kaugnay nito, naiulat na bumagsak ng may 50 porsyento ang P30-bilyong industriya ng patuka, habang ang mga veterinary products naman ay nalugi ng may P15 bilyon.

Umaabot sa 14,000 mga tindahan ng poultry supply sa buong bansa ang apektado din, habang bagsak ang benta ng may 30,000 breeders.

“Ang mga direktang benepisyaryo ng mga lehitimong derbies na tinatayang nasa 50,000 marginal breeding farms, 1,200 cockpit owners at daang libong manggagawa na inempleyo ng allied service at supply firms ng battle birds’ breeding at cockfights ang una sa aming isipan sa pagtutulak na aprubahan ang aming sports events,” ayon pa sa pederasyon.

Sinabi pa ng FIGBA na maliban sa hanapbuhay na naibibigay nga gamefowl industry, daang milyong piso umano ang buwis na ibinabayad nito sa gubyerno habang umaabot naman sa P75 bilyon ang revenue na naitutulong nito sa lokal na ekonomiya.

Nahihirapan umano silang kumbinsihin ang  IATF na “ang aming new normal design para sa sports birds, o sabong, ay higit na ligtas kaysa operasyon ng facial at wellness center na pinayagan kamakailan sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine at modified general community quarantine.”

“We appeal to your generous heart, Mr. President, to allow the resumption of derbies, with strict implementation of health protocols (a copy of our safety-guaranteed proposal and design was already sent to the IATF through Health Sec. Francisco Duque last June 24, 2020) as we remain a committed partner in your administration’s efforts to promote cultural and tourism activities through our sports events which may also help soften the impact of the coronavirus pandemic in our economy,” ayon kay FIGBA president Ricardo Palmares, Jr.

Sinabi ni Palmares na lumago nang husto ang game fowl industry sa mga nakalipas na taon. Umaabot umano sa  P75 bilyon ang annual revenue nito, na kinabibilangan ng halaga ng feeds vaccines, vitamins, mineral supplements at medicines, farm equipment, farm accessories tulad ng incubators, pens, derby gadgets, halaga ng lupa para sa farm at construction materials.

“The biggest players in our industry include San Miguel Feeds, Inc., UNACHO of UNILAB, Gokongwei Group, Lucio Tan Group, Aboitiz Group, Purina, Charoen Pokphand of Thailand, Excellence Poultry and Livestock Specialist, Lakpue Drug, Inc. and hundreds of feed mills and veterinary product companies,” ayon kay Palmares.

Binigyang-diin ng FIGBA president na ang lahat ng mga kinakailangang datos na bumabalangkas sa tinatawag niyang “economic paralysis” na tumama sa game fowl industry ay naisumite na sa National Economic Development Authority (NEDA) para sa angkop na paghahalaga.

“We have also submitted to the IATF and the DILG our proposed health protocol design aligned to what the health authorities have prescribed, including cockpit retrofitting and modular dividers to conform with physical distancing and ventilation requirement for indoor events,” sabi pa ng Palmares.

Sa kanilang apila sa Pangulo, sinabi ni Palmares na tumugon sila sa panawagan na tulungan ang pamahalaang lutasin ang pandemya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mahal naming Pangulo, nanatili kaming mahinahon at masunurin sa iyong panawagang suportahan ang laban sa COVID-19, at sa aming maliit na paraan ay nagbigay kami ng tulong sa libo-libo naming miyembro. Kailanman ay hindi kami naging pabigat sa local man o pamahalaang nasyunal at hangad naming manatiling ganyan,” ani Palmares.

“Ninanais din naming maging bahagi ng solusyon sa mga umiiral na problema ngayong pandemya at ito’y magagampanan naming kung kami ay papayagan na po ninyong magpatuloy sa aming sports events na may garantiyang susundin naming ang mga umiiral na health protocols na isinasaad sa kautusan ng IATF.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending