1,159 dagdag na jeepney sa 28 na ruta, pinayagan na ring pumasada | Bandera

1,159 dagdag na jeepney sa 28 na ruta, pinayagan na ring pumasada

Karlos Bautista |September 12,2020
facebook
share this

1,159 dagdag na jeepney sa 28 na ruta, pinayagan na ring pumasada

Karlos Bautista - September 12, 2020 - 10:41 PM

Handa na sa pagpasada ang jeepney na ito na kasapi ng Villamor Airbase Jeepney Operators and Drivers Association. (Marianne Bermudez/Inquirer)

Dagdag pang 1,159 na pampasaherong jeepney ang pinayagan na rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pumasada mula sa Lunes.

Sa pahayag na inilabas ngayong Sabado, sinabi ng LTFRB na ang mga jeepney na ito ay babyahe sa 28 ruta sa Metro Manila.

Sa bisa ng Memorandum Circular 2020-046, ang mga sumusunod na ruta ay muling bubuksan para sa mga jeepney:

  • Araneta University – Victoneta Ave./McArthur
  • SM North EDSA – Luzon Ave. (Puregold)
  • Balintawak – PUC via Baesa
  • BF Homes – Novaliches
  • Novaliches – Bignay
  • Novaliches – Pangarap Village via Quirino Highway, Novaliches
  • Novaliches – Shelterville via Congressional
  • Novaliches – Urduja
  • Novaliches Town Proper – Barangay Deparo
  • Grotto, San Jose Del Monte, Bulacan – Novaliches
  • Aurora/Lauan – EDSA North Ave.
  • Cubao – Proj. 2&3 via 20th Ave., P. Tuazon
  • Calumpang – LRT 2 (Katipunan Ave.) via Aurora Blvd.
  • Bel-Air – Washington
  • Brgy. North Bay Boulevard – Pier South via Road 10
  • Divisoria – Pier South via Delpan
  • Kalentong/Romualdez – San Juan Via Little B
  • Kayamanan C – Washington
  • L. Guinto – Zobel Roxas via Paco Market
  • Pier South – San Andres
  • Blumentritt – Libertad via Quiapo,Mabini
  • Blumentritt – Pier South via Sta. Cruz
  • Brgy. Bagong Silangan – Marcos Ave. Sampaguita
  • Dapitan – Delos Reyes/P. Campa via Andalucia/Laong Laan
  • Kamuning – Vito Cruz via E. Rodriguez, A. Mabini
  • Alabang – Muntinlupa (Bilibid Prison)
  • Alabang – Muntinlupa (Bilibid Prison) via Katarungan Village
  • Alabang – Bagumbayan via Bicutan FTI SSH Loop

Maaaring mag-operate ang mga roadworthy traditional PUJs na mayroong valid Personal Passenger Insurance Policy sa mga rutang ito ng walang special permit. Kapalit ng special permit ay ang QR Code na ibibigay sa bawat operator bago pumasada.

Ang QR Code ay dapat naka-print sa short bond paper at naka-display sa PUJ unit. Maaari i-download ang QR Code mula sa website ng LTFRB (www.ltfrb.gov.ph) simula ngayong Linggo, Setyembre 13.

Pinapaalala naman ng ahensya na walang taas-pasahe na ipatutupad maliban na lang kung opisyal na inilahad at inaprubahan ng LTFRB.

Kabilang din sa mga requirements para mag-operate ang traditional PUJs ay ang pagsunod sa safety measures alinsunod sa mga alintuntunin ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases, tulad ng pagsusuri sa body temperature, pagsusuot ng face mask/shield at gloves sa lahat ng oras, at ang mahigpit na pagpapatupad ng physical distancing sa loob ng mga sasakyan.

Samantala, narito ang kabuuang bilang ng mga public utility vehicles na pinayagang mag-operate ng LTFRB sa Metro Manila simula ika-1 ng Hunyo:

Traditional public utility jeepney (PUJ)

  • Bilang ng mga rutang nabuksan: 206
  • Bilang ng mga awtorisadong units: 17,372
  • Modern pubic utility jeepney
  • Bilang ng mga rutang nabuksan: 45
  • Bilang ng mga awtorisadong units: 786

Public utility bus (PUB)

  • Bilang ng mga rutang nabuksan: 32
  • Bilang ng mga awtorisadong units: 3,854

Point-to-point bus  (P2P)

  • Bilang ng mga rutang nabuksan: 34
  • Bilang ng mga awtorisadong units: 387

UV Express

  • Bilang ng mga rutang nabuksan: 59
  • Bilang ng mga awtorisadong units: 1,905

Taxi

  • Bilang ng mga awtorisadong units: 20,891

Transport network vehicles services (TNVS)

  • Bilang ng mga awtorisadong units: 23,968
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending