Gladys, Nicole Hyala nagbigay ng payo sa mga babaeng problemado sa lovelife | Bandera

Gladys, Nicole Hyala nagbigay ng payo sa mga babaeng problemado sa lovelife

Ervin Santiago - September 08, 2020 - 02:20 PM

 

TAWA kami nang tawa habang nanonood ng “Mars Pa More” kung saan special guest sina Gladys Guevarra at Nicole Hyala.

Sumalang kasi ang dalawa sa “Dear Mars” segment ng Kapuso morning show hosted by Camille Prats and Iya Villania.

Dito, sinagot nina Gladys at Nicole ang ilang tanong ng mga letter senders ng programa tungkol sa kanilang lovelife at sa paghahanap ng “the one.”

Idinaan ni Nicole Hyala sa biro ang payo niya sa unang letter sender na nagsabing mukhang wala siyang swerte sa lalaki dahil sa dami ng naging dyowa nito ay walang tumagal nang bonggang-bongga.

“Pasensya na, mars, pero kailangan nating ipa-check kung una, may balat ka ba sa pwet. Ha-hahaha!

“Kapag medyo na-confirm na waley, o eto na lang ang isipin mo, napaka-colorful ng life mo, ‘di ba? Napaka-bonggacious.

“Kung ikaw ay magiging lola at magkukuwento ka sa mga apo mo tungkol sa mga nangyari sa buhay mo, marami kang makukuwentong mga boylets.

“Nakikita ko siya as more of a blessing kasi isipin mo in your lifetime nakalima, anim ka. O, ‘di ba? Yung iba isa lang. Ha-hahaha!

“Alam mo ito lang, mars, ang lagi mong isipin, kapag hindi pa happy, ibig sabihin hindi pa ending,” tuluy-tuloy na pahayag ng DJ.

Ibinahagi rin ni Nicole ang isa sa mga favorite niyang Bible quote, angvIsaiah 60:22 na nagsasabing, “If the time is right, I, the Lord, will make it happen.

“So, ibig sabihin yung pangpito mo, ito na talaga yung tatalo sa lahat ng mga nanakit sa ‘yong sugatang heart. Huwag ka mag-alala. Your moment, your time will come,” aniya pa.

Sa huli, humirit pa ang radio DJ ng, “Swerte mo! Nakarami ka ng jowa, girl! Ha-hahahaha!”

Sumunod dito, si Gladys naman ang sumagot sa nagtanong kung ano ang dapat niyang gawin sa mga babaeng naglalandi sa boyfriend niya sa text at chat, kabilang na raw ang boss ng guy.

Sabi sa kanya ni Gladys, “E, ano naman kung napakaguwapo ng jowa mo, e, kung wala naman talaga siyang ginagawa.

“Problema ‘yan ng boyfriend mo. Nasa sa kanya ‘yan. Dahil, ‘di ba sabi nga, kung lolokohin ka nitong boyfriend mo ngayon, siya ang magdadala niyan. Hindi ikaw,” hirit pa ng komedyana.

Singit naman ni Iya, “Saka kasi kung may something ‘di ba, eh ‘di hindi niya deserve yung ganu’ng klaseng tao. There’s something and someone better there.”

Na sinang-ayunanan ni Gladys, “Oo. Ikaw na umatras.”

Kamakailan, ibinandera ni Gladys ang nangyari sa kanila ng kanyang fiancé na si Leon Sumagui na nakaapekto sa kanyang online business.

Nagkaroon daw sila ng matinding  away nang dahil sa pera hanggang sa umalis na ng bahay ang partner niya.

“Hindi ako naiiyak Leon kasi nawala ka. Wala kang kuwentang tao. Wala kang kuwentang tao.

“Bawat kibot sa ‘yo pera. Kung ito hindi nagma-matter sa ‘yo, ang tingin mo dito negosyo lang, passion sa akin ‘to kasi pagluluto ‘to. Grabe ‘tong ginawa mo sa akin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi na masakit yun pagkawala mo. Masakit yun ilan tao ito na tinanggal mo ang tiwala sa akin,” ani Gladys sa kanyang Facebook Live.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending