Kita ng PCSO ngayong 2020, bagsak
Bumagsak ang kita ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong taon dahil pa rin sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Sa pagdinig ng kamara para sa 2021 national budget, sinabi ng PCSO na P9.3 bilyon lamang ang kanilang kinita para sa lotto, small town lottery, keno, sweepstakes, at peryahan games na ‘di hamak na mababa sa P63 billion noong 2018 at P44 billion noong 2019.
Tinatayang aabot naman sa P19.5 billion ang naluging halaga na sa ahensya.
Bumaba din sa P2.75 billion ang buwis na na-i-remit ng PCSO sa gobyerno mula Enero hanggang Hulyo kumpara sa P16.9 Billion noong 2018 at P13.5 Billion noong 2019.
Mula naman nang magbukas ulit ang gaming operations nitong Hulyo hanggang Agosto ay umaabot pa lang sa P522 million ang nalikom na kita ng PCSO.
Umaasa naman ang PCSO na maitataas pa nila sa P6.9 billion ang kita sa mga games sa mga natitirang buwan ngayong taon.
Mula kalagitnaan ng Marso hanggang kalagitnaan ng Hulyo ay pansamantalang sinuspinde ang gaming operations bilang pagsunod sa community quarantine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.