Bugoy sa pagiging batang ama: May mali sa ginawa namin, pero para i-judge kami ibang usapan na 'yun | Bandera

Bugoy sa pagiging batang ama: May mali sa ginawa namin, pero para i-judge kami ibang usapan na ‘yun

Ervin Santiago |September 07,2020
facebook
share this

Bugoy sa pagiging batang ama: May mali sa ginawa namin, pero para i-judge kami ibang usapan na ‘yun

Ervin Santiago - September 07, 2020 - 01:11 PM

 

KUNG may natuwa sa pag-amin nina Bugoy Cariño at EJ Laure tungkol sa kanilang relasyon at pagkakaroon na ng anak, meron ding mga nangnega.

Bina-bash ngayon ng ilang netizens ang celebrity couple lalo na ang volleyball star na si EJ na inaakusahan ng pedophilia.

Ito’y dahil nga sa pagpatol ni EJ kay Bugoy na 15 years old pa lamang noong maging sila at magkaroon ng anak habang siya naman ay 19 that time.

Ibinandera ng dating child actor ang tungkol sa kanila ni EJ at sa anak nilang si Baby Scarlet noong 18th birthday niya last Sept. 3.

Ipinost niya sa Instagram ang kanilang family photo sa kauna-unahang pagkakataon at dito nga niya ipinangako na gagawin niya ang lahat para sa kanyang mag-ina.

“HAPPY BIRTHDAY TO ME! Happy to have a family na mahal na mahal ako. Pagsisikapan ko pong itaguyod ang blessing na ito. Thank you for your unending support and I love you both, Mommy EJ and Baby Scarlet!” ang caption ni Bugoy sa kanyang IG post.

Naging isa sa top trending topic ang pag-amin ng dalawa sa Twitter Philippines kung saan hati nga ang reaksyon ng mga netizens.

Kahapon, sinagot ni Bugoy ang tweet ng isang YouTube vlogger na nambasag sa kanila at nagsabing, “This is so wrong! I can’t believe some people are defending this!”

Resbak ng batang ama, “O ‘wag niyo draw i-defend. G na G si ate.

“Opo, alam namin na may mali sa ginawa namin, pero para i-judge kami basta basta? Ibang usapan na po ‘yun,” aniya pa.

Depensa pa ng dating Kapamilya child star at Hashtags member, “Hindi niyo po alam buong story namin. At least ako kahit bata pa pinanindigan ko lahat ng responsibilidad ko at hindi ko po tinakbuhan.”

Nagsimulang kumalat ang chika na nakabuntis si Bugoy noong 2017 nang bigla siyang mawala sa It’s Showtime bilang miyembro ng all-male group Hashtags.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naging usap-usapan din ng panahong yun na si EJ nga ang nabuntis ni Bugoy matapos siyang mawala sa UAAP Season 80.

Mariin itong dinenay ng dating UST Golden Tigresses captain at sinabing nang dahil sa shoulder injury kaya hindi na siya nakapaglaro.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending