Kasal ni Angel Locsin at Neil Arce, next year na raw dahil sa pandemya | Bandera

Kasal ni Angel Locsin at Neil Arce, next year na raw dahil sa pandemya

Reggee Bonoan |September 05,2020
facebook
share this

Kasal ni Angel Locsin at Neil Arce, next year na raw dahil sa pandemya

Reggee Bonoan - September 05, 2020 - 05:53 PM

Mula sa Facebook page ni Angel Locsin

“Move na lang po next year,” ito ang sagot sa amin ni Angel Locsin tungkol sa kasal nila ng fiancé niyang si Neil Arce.

Dahil sa COVID-19 pandemic kaya hindi matutuloy ang kasal ngayong taon nina Angel at Neil. Inaalala nila ang seguridad na pangkalusugan ng mga dadalo bukod pa sa limitado rin at ayaw naman nilang hindi kumpleto ang mga mahal nila sa buhay at mga kaibigan.

Bukod dito, nasabay pa sa pagsasara ng ABS-CBN dahil hindi ito binigyan ng bagong prangkisa ng Kongreso.

Noong Hunyo 29, 2019 nang magsabi ng ‘YES si Angel kay Neil. Kasagsagan ito ng teleseryeng “The General’s Daughter” kaya hindi rin nila kaagad naayos ang kanilang pag-iisang dibdib.

Nagboluntaryo na ang mga kaibigan ng dalawa para tulungan silang maisaayos ang lahat ngayon sanang last quarter ng 2020. Sa kasamaang-palad, buwan ng Marso ay  nagsimula nang mag-lockdown ang buong Pilipinas dahil sa pandemya.

Samantala, naging aligaga rin sina Angel at Neil sa pagtulong sa mga nangangailangan kasama na ang frontliners at health workers.

Kaya naman nang makausap namin si Angel sa virtual mediacon ng programa niyang “Iba ‘Yan” noong Hunyo ay inamin niyang dapat sana ay nag-aayos na siya ng kasal nila ni Neil pero hindi pa magawa dahil abala pa sila.  Ang fiancé niya ang direktor ng programa na napapanood sa Kapamilya Channel, YouTube, iWant TFC at iba pang cable channel ng ABS-CBN.

Inalam namin kung taon  lang ba ang mababago at ang ibang detalye ay pareho pa rin tulad ng venue, araw ng kasal at reception.

“Mag-aayos pa ulit kami,” sabi ni ‘Gel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending