Pagtaas ng revenue collection ng gobyerno inaasahan sa taong 2021 | Bandera

Pagtaas ng revenue collection ng gobyerno inaasahan sa taong 2021

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - September 05, 2020 - 08:59 PM

Naniniwala si Finance Secretary Carlos Dominguez na makakabawi ang bansa sa revenue collection sa gitna pa rin ng epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations sa panukalang P4.5 trillion national budget sa sususnod na taon, sinabi ni Dominquez na inaasahan nila na makaka-recover ng bahagya ang revenue collection sa 2021 na tinatayang aabot sa P2.7 trillion at tataas pa sa P3 trillion sa 2022.

Iginiit ng opisyal na malaking tulong sa pagtaas ng kita ng pamahalaan ang koleksyon mula sa TRAIN Law.

Sabi ni Dominquez, base sa kanilang projection ay aabot lamang sa P2.5 trillion ang revenue collection ngayong 2020, mas mababa kumpara sa P3.1 trillion na kinita noong 2019.

Nitong 2019 aniya ay tumaas sa 91% ang revenue collection sa ilalim ng TRAIN law o katumbas ng 14.5% ng GDP noong nakaraang taon na siyang itinuturing na “best performance”sa loob ng 22 taon.

Itinutulak naman ni Dominguez ang pag-apruba sa mga panukala tulad ng CREATE, FIST at GUIDE ACT na sesentro sa pagbangon at pagbibigay suporta sa mga Pilipino sa gitna ng pandemic.

Binigyang diin din ng kalihim ang tuluy-tuloy na implementasyon ng Build, Build, Build program dahil ito ang may pinakamalaking multiplier effect sa pagsigla ng ekonomiya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending