Dating Goin' Bulilit star umaming may anak na: Pagsisikapan kong itaguyod ang blessing na ito | Bandera

Dating Goin’ Bulilit star umaming may anak na: Pagsisikapan kong itaguyod ang blessing na ito

Ervin Santiago |September 04,2020
facebook
share this

Dating Goin’ Bulilit star umaming may anak na: Pagsisikapan kong itaguyod ang blessing na ito

Ervin Santiago - September 04, 2020 - 09:48 AM

SA kauna-unahang pagkakataon makalipas ang halos dalawang taon, ibinandera na ng dating child star na si Bugoy Cariño ang kanyang anak.

Ito’y bilang bahagi na rin ng kanyang 18th birthday celebration kasama ang kanyang girlfriend at ina ng kanyang anak, ang volleyball player na si Ennajie “EJ” Laure.

Sa Instagram, nag-post ang dating member ng Hashtags ng isang family photo kung saan kasama nga niya si EJ at anak nilang si Scarlet.

Aniya sa caption, “HAPPY BIRTHDAY TO ME!

“Happy to have a family na mahal na mahal ako. Pagsisikapan ko pong itaguyod ang blessing na ito.
“Thank you for your unending support and I love you both, Mommy EJ and Baby Scarlet!”

Nag-post din si EJ sa IG ng litrato nilang pamilya kasabay ng pagpapasalamat sa dating Goin’ Bulilit member.

“Happy birthday Mahal! Salamat sa ginawa mo at ginagawa mo para sa amin ni baby @scarletcarino. We love you so much daddy!” ang mensaheng inilagay niya sa caption.

Kung matatandaan, kumalat ang balitang nabuntis ni Bugoy si EJ noong 2018.

Ito rin yung panahon na napabalitang titigil muna sa paglalaro ang volleyball player dahil sa kanyang injury pero ang kumalat na chika, kailangan niyang magpahinga dahil buntis nga raw siya.
Nu’ng panahong din yun kumalat ang balita na natanggal sa “It’s Showtime” si Bugoy dahil nga nakabuntis daw pero mariin itong dinenay ng young actor.

Pero ngayon nga ay very open na si Bugoy sa kanyang personal life na obviously at very proud daddy na rin kay Baby Scarlet.

Marahil ay hinintay lang talaga ni Bugoy na mag-18 siya para legal age na kumbaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At siguradong masayang-masaya ngayon ang pamilya nina Bugoy at EJ dahil sa wakas ay naibandera at naipagmalaki na nila ang kanilang pamilya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending