Gamot ni John Regala aprubado ng PDEA; nagpasalamat kina Nadia, Chuckie at Aster Amoyo | Bandera

Gamot ni John Regala aprubado ng PDEA; nagpasalamat kina Nadia, Chuckie at Aster Amoyo

Reggee Bonoan - September 03, 2020 - 04:56 PM

NAISULAT namin dito sa BANDERA ang perang hinahanap at listahan ng mga taong nag-donate kay John Regala na aniya’y hindi niya natanggap at wala ring listahan.

Sina Chuckie Dreyfuss, Nadia Montenegro at Aster Amoyo ang punong-abala sa paghingi ng donasyon para sa pagpapagamot ni John. Na-confine ang aktor kamakailan pero nagmadali ring umalis para makatipid.

Muling nag-guest via zoom app ang aktor sa Raffy Tulfo in Action sa YouTube channel pati sina Chuckie, Teddy Imperial (assistant ng aktor) at ang caregiver na si Bem.

Inamin ni John na pumasok na sa BDO account niya noong Agosto 29 ang halagang P115,151.20 na natira mula sa mga donasyon labas na ang ipinambayad sa hospital bills, grocery at iba pang pangangailangan ng aktor.

“Kahapon po, nagpa-update po ako, pumasok na po,” sabi ni John kay Raffy habang nakikinig si Chuckie.

Ang listahan ng mga taong nagbigay ay inulit-ulit ni John na wala siyang natanggap na kopya.

“’Yun nga po ang hinahanap ko na kahit thank you card man lang ay papadalhan ko ang mga taong ito,” sabi ng aktor na tila hirap magsalita.
Tinanong naman si Chuckie tungkol sa listahan at sinabi nga ng dating That’s Entertainment member na merong kopya nito si John na pilit lang nitong itinatanggi dahil ipinadala nila ito sa assistant niyang si Teddy.

Bukod dito ay sinasabi rin mismo kay John kung sinu-sino ang mga nagbibigay para alam niya, pero muli itong itinanggi ng aktor na panay ang iling.

“Napakadali pong magsabi ni John na hindi niya alam, napakadali po niyang umiling at nalilimutan niya. ‘Yun pong mga dokumento meron po siyang kopya at dahil nagre-recover pa siya, lahat ng documents ay ibinigay namin kay Teddy (assistant). Ipinadala po namin through Grab at nag-message po si Teddy na natanggap niya at may screen (photo) pa,” pahayag ni Chuckie.

Anyway, ayon naman kay Teddy na kasalukuyang nasa Cavite ay umaming iniwan na nga niya si John dahil hindi na niya kaya pa ang nakikita niyang nag-i-inject ng pain killer na ang paniniwala niya ay isang uri ng drugs.

Hindi naman ito itinanggi ni John, “Hindi ko na po itatago ‘yan, kasi alam naman ng lahat na ako ay may gout. Gumagamit po ako niyan tuwing sumusumpong po ako pero tatlong ampules lang po ang reseta sa akin ng PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency.”

Ipinakita ni John ang resetang galing sa doktor at sa tanong kung bakit napasama ang PDEA sa reseta, “Kasi kailangan daw po dumaan ng PDEA at license ng doctor bago makapag-issue nito ng gamot na nobaine.”

Sa pagtatanong namin kapag nobaine na ang ini-inject ay nakakatulog at payapa na ang pakiramdam ng taong maysakit pero depende raw iyon kung ilang oras tatagal.

Base kasi sa pahayag ni John ay allowed siya ng 3 ampules na equivalent sa 1cc at ini-inject ito kada 6 hours depende sa katawan ng tao.

Wala namang binanggit ang aktor kung 3 ampules ng nobaine ang ini-inject niya sa isang araw na paliwanag sa amin ay sobrang lakas.

Inalam din namin kung malaki ba ang magiging damage sa kidney at liver kapag matagal nang nag-i-inject ng nobaine.

“Oo kasi liver ang dadalihin kaya siguro may liver cirrhosis siya (John), masuwerte siya maraming tumutulong sa kanya,” sabi sa amin ng nakausap naming frontliner.

Going back to Teddy, ayaw daw niyang madamay sa ginagawa ni John kaya umalis na siya sa poder nito.

Paliwanag naman ng caretaker ni John na si Bem ay nakiusap siya kay Teddy na huwag iwan ang dating aktor lalo na’t walang kasama sa gabi dahil nga stay out naman si Bem.

Sa pagtatapos ng kuwento ay nagpasalamat si John kina Chuckie, Nadia at tita Aster at tinatanaw niyang malaking utang na loob ito sa lahat ng naitulong sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pakiusap ni John, “Sana Chuckie, magkita-kita pa tayo at kalimutan na natin lahat ang mga isyung ito.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending