Daniel sa mga naluluging negosyante: Babalik tayo nang mas malakas | Bandera

Daniel sa mga naluluging negosyante: Babalik tayo nang mas malakas

Ervin Santiago - September 03, 2020 - 11:36 AM

 

MATINDI rin ang naging epekto ng COVID-19 pandemic sa mga negosyo ng celebrity couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Partikular na tinukoy ni Daniel ang dalawang barber shop na binuksan nila ni Kathryn nito lang nakaraang taon, ang Barbero Blues sa SM North Edsa at SM Fairview.

Ani DJ bukod sa pagpapasara sa ABS-CBN kung saan libu-libong manggagawa ang nawalan ng trabaho, nalulungkot din siya sa naging epekto ng pandemya sa kanilang mga business.

“Talagang sapul yung Barbero Blues. Pero siyempre, hindi naman tayo puwedeng huminto doon.

“Siyempre may mga na-lay off yata, which is, hello, tayo sa ABS-CBN mismo alam natin iyan, di ba, dahil hindi kayang suportahan, e,” ang pahayag ng Kapamilya singer-actor sa Star Magic YouTube video.

Ramdam na ramdam din ni Daniel ang hirap ng buhay ngayon lalo ng nga kababayan nating nawalan ng kabuhayan mula nang tamaan ng COVID ang bansa.

“Ang hirap talaga. Hindi mo rin alam kung saan ka kukuha financially, pero siyempre, hindi pa rin natin nakakalimutan ang tumulong kahit paano,” pahayag ng binata na hindi rin tumitigil sa pagbibigay ng ayuda kasama ang inang si Karla Estrada.

Napanood din daw niya ang video sa loob ng kanilang barber shop at talagang nalungkot siya sa kanyang nakita, “Wala talagang tao. Hindi mo naman talaga sila mapipilit.”

Patuloy pa ng boyfriend ni Kathryn, “Ngayon, nag-iisip kami ng next steps kung ano ang puwede naming gawin for Barber Blues, kasi gusto ko siya itayo as a brand. So that’s the plan ngayon.

“Nandoon kami, tinitingnan ng mga partners nami, kami ni Kathryn, and kami nina Tita Min (Bernardo, nanay ni Kath), lahat, siyempre, kami ng team.

“Hindi ako eksperto sa business pero, siyempre, you have to evolve sa business mo. Kunwari ngayon kasi, this is abnormal, di ba, yung business mo okay. Tapos nagka-pandemic pa. Anong magagawa natin?

“So kung anong puwede nating gawin o evolve or adapt or ano pa bang (pwedeng gawin) we have to experiment. After nito, babalik tayo nang mas malakas,” paniniguro pa ni DJ.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Narito naman ang message ni Daniel sa nga kapwa negosyanteng dumaraan ngayon sa matinding pagsubok at ginagawa ang lahat para hindi sila tuluyang magsara para na rin sa kanilang mga empleyado.

“Sa lahat ng mga nagmamay-ari din ng kanya-kanyang negosyo, well, I wish you luck, and sana maging mabuti na ang lahat para sa atin,” ani DJ.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending