Kiray Celis nakikipag-live in na nga ba sa non-showbiz dyowa?
MAGKA-LIVE in na nga ba sina Kiray Celis at Stephan Estopia?
Yan ang tanong ng mga netizens dahil nga parang araw-araw na nilang nakikitang magkasama sa iisang bahay ang magdyowa.
Sa Instagram account kasi ng Kapuso comedienne palagi silang may bagong litrato ng boyfriend na kuha sa mismong bahay nila kaya ang paniniwala ng ilan niyang followers doon na nakatira ang binata.
Kahit daw noong kasagsagan ng enhanced community quarantine sa bansa dulot ng COVID-19 pandemic ay nakikita nila si Stephan na nasa bahay nina Kiray.
Kaya naman para matahimik na ang mga “tsismosang kapitbahay” tulad ng laging binabanggit sa “Bawal Judgmental” ng “Eat Bulaga” nagsalita na si Kiray tungkol dito.
“Ang daming nagtatanong kung live in kami. Pero ang nakakatawa is, nasa kabilang kanto lang namin sila nakatira.
“So, everyday, kahit noong may quarantine, every day siyang nandito sa bahay kasi sobrang lapit lang talaga niya,” pahayag ng komedyana sa panayam ng GMA Regional TV.
Samantala, marami naman ang naaaliw sa online show ng dalaga kung saan patok na patok ang mga paandar niyang comedy sketches lalo na kapag kasama pa niya ang kanyang pamilya at si Stephan.
“Sa mga videos and sa mga pictures, actually very shy talaga siya, pero napipilit ko rin siya para mas masaya,” chika ng komedyana.
Nagbigay din siya ng mensahe sa lahat ng young couple ngayon, lalo na sa mga may pinagdaraanan dahil sa trust issues.
“‘Kung gusto mo ng mabait, kailangan mo ring mabait. Kung gusto mo ng loyal kailangan mong maging loyal. Kung ano ‘yung binibigay mo ‘yun din ang mababalik sa ‘yo, promise,” pahayag pa ni Kiray Celis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.