Isabelle Daza takot na takot nang umabot sa 39.6 ang lagnat ng anak | Bandera

Isabelle Daza takot na takot nang umabot sa 39.6 ang lagnat ng anak

Ervin Santiago - September 02, 2020 - 10:53 AM

 

 

GRABE ang takot na naramdaman ng TV host-actress na si Isabelle Daza nang minsang magkasakit ang anak na si Balthazar.

Sa isang animated video, inalala ni Isabelle ang isa sa tinawag niyang “scariest moment” sa buhay niya bilang isang ina.

Sa pamamagitan ng isang animated children’s story, ibinahagi ng dating Eat Bulaga host ang nangyari nang magkasakit ang anak na si Baltie at magkaroon ng seizure dahil sa taas mg lagnat.

Ani Belle, nais niyang i-share ang experience na ito sa iba pang mommy para alam na nila ang gagawin sakaling maranasan din nila ito.

“(Before COVID-19 happened) I created this video to tell the story of what happened to Balthazar in one of the scariest experiences we have had when he had a really high fever.

“So I didn’t post it last year cause I wanted a sponsor to buy it!! LOL Anyways here it is. Reminder: always consult your doctor,” ang mensaheng ipinost ni Belle sa Instagram.

Sa nasabing video, sinabi ng aktres na talagang nag-worry siya nang bonggang-bongga nang umabot sa 39.6 degrees Celsius ang anak.

“Babies less than five years old are prone into going to a seizure because the brain is not mature enough to handle the fever.

“This is called a benign febrile convulsion. It’s not harmful and doesn’t indicate any serious health problem,” aniya.

Dagdag pa niya, “This experience is one of the scariest I had because I had no control over my son’s reactions and his body. One thing I learned is to stay calm and have the presence of mind to be able to lower the fever.”

* * *

May official YouTube channel na ang GMA Artist Center na magbibigay-daan para sa mga Kapuso fan na mas mapalapit sa kanilang mga iniidolong celebrities!

 

Dito, magbabalik para sa ikalawang season ang online show na “Just In”, hosted by Paolo Contis and Vaness del Moral. Excited na nga ang dalawa sa extended kulitan at bonding sa netizens.

 

“Tulad ninyong lahat ay naging Wednesday habit ko na rin ang Just In para makapagkuwentuhan at makipagkumustahan sa inyong lahat,” kuwento ni Paolo.

 

Dagdag naman ni Vaness, “Season 2 na ng Just In and sobrang favorite ko ‘tong show na ‘to dahil dito nakakumusta at nakakausap natin ang mga artistang matagal na nating hindi napapanood sa TV at siyempre ‘yung mga artistang nasa ibang bansa na.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Ang “Just In” season 2 ay mapapanood tuwing Miyerkules ng gabi, 8 p.m. sa GMA Artist Center YouTube channel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending