Lovi star na star sa Peru, Ecuador, Kenya; Jillian susunod na Marimar? | Bandera

Lovi star na star sa Peru, Ecuador, Kenya; Jillian susunod na Marimar?

Ervin Santiago - August 31, 2020 - 11:32 AM

 

PINUSUAN at umani ng sandamakmak na likes at comments ang mga litrato ni Jillian Ward — ala-Marimar.

Marami ang nakapansin sa look ng dating child star na dalaga na ngayon, sa ilang Instagram photos niya na kuha sa isang beach resort.

Parang nakikita raw nila si Marimar sa Kapuso youngstar na unang pinasikat ng Mexican star na si Thalia at ginampanan din nina Marian Rivera at Megan Young sa Pinoy version ng serye.

Mas lalo pang na-excite ang fans nang mag-post si Jillian ng kanyang video habang nagsasayaw sa beach to the popular “Marimar” tune.

Kaya sa latest vlog entry ni Jillian sa YouTube, natanong siya kung papayag ba siyang gumanap na Marimar sakaling gawan ito uli ng bagong version ng GMA.

Sagot ng bagets, “Well of course po! Sino po bang may hindi gustong tanggapin yun?

“Kung ano man pong ibigay sa akin ng  network or management, kung ano man pong pinagkakatiwala nila sa akin talagang pagbubutihan ko lang po talaga.

“Yung trabaho ko, kung ano man pong role yan tatanggapin ko yan. Basta po may nai-inspire ako at napapasaya,” sey pa ni Jillian sa kanyang YT video.

* * *

Sa recent interview ni Lovi Poe, naikuwento niya na simula nang ipalabas ang drama series niyang “Someone To Watch Over Me” sa iba’t ibang bansa, dumami na ang nagpapadala ng message sa kanya.

Hataw sa Uruguay, Peru, Ecuador, Kenya at sa Kapuso international channel na GMA Life TV ang serye ni Lovi.

“I’ve been getting messages about ‘Someone To Watch Over Me’ since it was aired abroad pero hindi sila Filipino. They sent me direct messages saying how much they love the show,” pahayag ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag niya, “It’s nice na we reached people who are not just Filipinos now because of GMA Pinoy TV.

“So, it’s nice na we get to share the kind of shows and stories that we have here and they finally somehow know or get to meet us when they see us sa iba’t ibang platforms sa GMA Pinoy TV,” sey ng dalaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending