Repatriated Filipinos, umabot na sa 153,124
Umabot na sa 153,124 na overseas Filipinos (OFs) ang na-repatriate simula nang magpauwi ng mga Filipinong apektado ng COVID-19, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Naitala ang nasabing datos mula February hanggang August 29.
Nitong nagdaang linggo, sinabi ng kagawaran na aabot sa 8,329 ang napauwing overseas Filipinos.
Sa kabuuang bilang na 153,124, 57,595 o 37.6 porsyento ang sea-based habang 95,529 o 62.4 porsyento ang land-based.
Sinabi ng kagawaran na patuloy pa rin ang repatriation sa mga nais umuwi ng Pilipinas.
Inabisuhan ng DFA ang sinumang OFW na nais makauwi ng Pilipinas ay maaaring ipagbigay-alam sa embahada o konsulado sa kanilang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.