Bwelta sa reklamo ni John: Make sure wala kang itatago para pagtakpan lahat ng kasinungalingan mo | Bandera

Bwelta sa reklamo ni John: Make sure wala kang itatago para pagtakpan lahat ng kasinungalingan mo

Ervin Santiago - August 28, 2020 - 10:04 AM

GALIT na galit ang asawa ni Chuckie Dreyfus matapos magreklamo si John Regala na wala siyang nahawakan ni singko sa nakalap na donasyon para sa kanya.

Kinontra ni Aileen ang lahat ng malilisyosong paratang ng veteran actor sa grupo nila nina Chuckie, Nadia Montenegro at Aster Amoyo na siyang nag-effort para matulungan si John.

Nauna nang nagpaliwanag sina Chuckie sa pagkuwestiyon ni John sa laman ng binuksang joint account nina Nadia at Aster Amoyo para doon ipasok ang lahat ng cash donations para ipangtustos sa mga kailangan ni John.

Anila, ang malaking bahagi ng donasyon ay ipinambayad sa hospital bills at iba pang medical expenses ng aktor matapos itong ma-confine sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) (from Aug. 4 to 12) dulot ng liver cirrhosis at severe gout.

Inireklamo ni John Regala na hindi siya binigyan ng kopya ng listahan ng lahat ng nag-donate at kung magkano ang ibinigay ng mga ito.

“Actually po, humihingi nga po ako sa kanila, ngunit wala silang ibinibigay sa akin na anumang proof kung magkano ang ibinigay ng kapwa ko artista, netizens, or yung ibang tao. Hindi ako naniniwala na iyon lang ang nakalap nila sa mga artistang iyon,” ani John sa isang panayam.

Sagot naman ni Chuckie sa kanya, “Wala raw siya natanggap na pera mula sa amin? Lahat po ng mga dumaan sa amin na donation, tinanggap po namin nina Nadia at Nanay Aster. Iyon po ang ginamit para sa ospital at sa pagpapaalaga kay John.”

Ani Chuckie umabot sa mahigit P290,000 ang kabuuang donasyon kay John at ang natira raw na P115,000 ay inilipat sa personal bank account ni John.

Pero kinontra uli ito ng aktor at sinabing, “Actually po, may sumobra na P10,000 na pera dun sa ipinambayad sa ospital.

“Kinuha rin po nila. Wala po akong napakinabangan ni singkong duling. Iyan po ang maliwanag. Nandito ang statement of account na zero balance. Meron ba nag-deposit na zero balance, wala man lang naka-indicate kung magkano pumasok?” aniya pa.

Samantala, hindi na rin nakatiis ang misis ni Chuckie na si Aileen na siyang na-assign sa pag-aayos at paglilista ng cash donation at kung saan-saan ito ginastos.

Sa isang Facebook post, nagpaliwanag siya tungkol sa kontrobersya. Narito ang ilang bahagi ng FB post ng asawa ni Chuckie kung saan sinagot niya ang mga reklamo ni John.

“The remaining cash amounting to ₱115,151.20 was deposited into your personal Metrobank account kaya zero-zero balance na ang BDO joint account under Nadia and Aster’s name. Ganon ka simple.

“Time code: 4:24 – John Regala: Humingi sila ng $1,000 sa aking ex-wife bukod pa dun sa mga nilakap pa nila… kulang pa raw na pambayad sa hospital.

“To answer: Yes, Au Manansala-Hunt gave $1,000 (₱47,600) that was used for your hospital bills so you can be discharged. Your caretaker Bem Santillan Torres was the one who got that from Western Union and NOT US.”

“Time code: 8:24 – John Regala: Actually po may sumobrang ₱10K na pera na pinang bayad, kinuha rin po nila… wala po akong napakinabangan ni singkong duling.”

“To answer: ₱90K – Given to Bem Santillan Torres by Nadia at NKTI from the cash donations for hospital bills. ₱47,600 ($1,000) – money from ex-wife Au Manansala-Hunt that was sent via Western Union that Bem Santillan Torres withdrew.

“₱10,000 – donation from Liza D that was deposited to the BDO joint account of Nadia and Aster. ₱20,000 – donation from Cong. Ong that was given to John. TOTAL: ₱167,600

“Your total NKTI hospitalization bill amounting to ₱138,300 was paid through these cash donations. From the ₱167,600 cash, you had “₱29,300 left. Nadia asked for this remaining cash so we can purchase the prescribed meds so you can bring it home and some grocery items. You gave Nadia ₱19K and you kept the ₱10K. Whatever excess money we had after paying for your hospital bill, we returned to the BDO joint account for proper accounting.

“SO ANO ANG SINASABI MONG NI SINGKONG DULING WALA KANG NAPAKINABANGAN?? NAKA PRIVATE ROOM KA! PAANO KA MAKAKALABAS NG OSPITAL KUNG HINDI NAMIN BINAYARAN ANG HOSPITAL BILL MO FROM THE CASH DONATIONS???

“KUNG WALA KANG NAPAKINABANGAN, EH DI SANA NASA HOSPITAL KA PA NGAYON OR NAGHIHIRAP KA PA RIN SA SAKIT. KAHIT PAPAANO BUMUBUTI NA ANG LAGAY MO NGAYON DAHIL NAPAGAMOT KA NG MGA TAONG TUMULONG SAYO!!! DUN NAPUNTA ANG BULK NG CASH DONATIONS!!!”

Ibinigay din ni Aileen ang lahat ng dokumento tungkol sa mga donasyon, “Paki isa-isa and make sure wala kang itatago para pagtakpan lahat ng kasinungalingan mo. That was turned over to Teddy Imperial because at that time, he was your caretaker. If paninindigan mo pa na wala ka pa rin nakuhang kopya, we can always ask for copies from the bank.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ayan! So nakita nyo ang BDO certificate and alam nyo kung magkano ang available cash. KAYA WAG KANG MAG PRESS RELEASE NA WALA KANG NAKUHA NI SINGKONG DULING!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending