PhilHealth: Walang nasirang dokumento dahil sa tumutulong bubong | Bandera

PhilHealth: Walang nasirang dokumento dahil sa tumutulong bubong

Karlos Bautista - August 22, 2020 - 12:51 PM

Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na walang anumang dokumento na nasira dahil sa tumutulong bubong sa tanggapan nito sa Ilocos Region.

Sa pahayag na nakalathala sa Facebook page, sinabi ng state health insurer na, “Bukas ang PhilHealth sa anumang imbistigasyon kaugnay sa insidente ng pagtulo sa Region 1 office dahil sa malakas na pag-ulan noong Agosto 19, 2020.”

Ilang senador ang nanawagan nitong Biyernes  sa National Bureau of Investigation na imbistigahan ang nasabing insidente na umano’y puminsala sa mga mahahalagang dokumento. Nangangamba ang mga mambabatas na bahagi ito ng “cover up” para sirain ang mga ebidensya na mahalaga sa isinusulong na imbistigasyon ng Senado sa umano’y katiwalian sa PhilHealth.

Sinabi ni Senator Panfilo Lacson na may nakikita siyang “sapat na dahilan para magsuspetsang ang pagsira ng mga dokumento at records dahil sa pagtulo ng bubong ay intensyonal.”

Ganundin ang paniniwala ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

“Yan na nga ba ang sinasabi ko na baka magkaroon nang cover-up. We urge the NBI to get to the bottom of that to see if the roof leak was deliberately done to obstruct the ongoing investigations,” wikan ni Zubiri sa hiwalay na mensahe sa mga mamamahayag.

Pero sinabi ng PhilHealth na walang anumang dokumentong nasira sa naturang opisina at idinagdag pa na nakahanda ito at bukas sa anumang imbistigasyon.

“Panimula nang sinuri ang insidente ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Criminal Investigation and Detection Group at ng NBI,” ayon sa PhilHealth.

“Walang anumang dokumento na nasira at lahat ay accounted for,” dagdag ng PhilHealth.

May mga panibagong alegasyon ng katiwalian na ipinupukol sa PhilHealth makaraang sabihin ng mga umuupong board members at mga  nagbitiw na opisyal na may “mafia” sa loob ng state health insurer na siyang utak umano sa malawakang korapsyon sa loob ng korporasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending