B. Braun Avitum: Wala kaming ‘ghost dialysis machines’
Mariing pinabulaanan ng isang global medical technology company ang mga isyu na umano’y pinaboran ito ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).
Nilinaw ng B. Braun Avitum Philippines, Inc. sa isang pahayag na taliwas sa mga lumulutang na isyu sa imbestigasyon ng Senado ay wala silang “ghost dialysis machines.”
Sinabi nito na ang medical company ay 25-dialysis centers sa Luzon na nakakapagsagawa ng 27,000 treatments sa mahigit 3,000 pasyente.
“Ang bawat dialysis center ay rumeresponde sa treatment requirement ng bawat pasyente sa paraan ng pagdagdag ng kapasidad sa pamamagitan ng additional shifts, iyon ay kung hindi maari ang pagdaragdag ng dialysis machines sanhi ng limitadong ispasyo,” anang pahayag ng kumpanya.
Anim na araw kada linggo, nagbubukas ang B. Braun Avitum para magsagawa ng 96-na treatments kada buwan, taliwas sa 72-araw lamang na binanggit sa pagdinig sa Senado, wika nito.
Katunayan, 133 porsyento umano ang capacity rate ng serbisyo ng B. Braun Avitum.
Saan mang centers na nag-o-operate ang B. Braun Avitum, sinabi nito na wala silang “ghost machines.”
Nanindigan din ang kumpanya na walang anumang pabor ang pamamaraan ng kanilang pagnenegosyo at lahat ng transaksyon ay lehitimo at above-board.
Idinagdag nito na nag-apply ang B. Braun para maka-avail sa Interim Reimbursement Mechanism(IRM) “in good faith,” batay sa mga panuntunan ng PhilHealth.
“We did not misrepresent our application for IRM funds to be used for the treatment of COVID+patients” wika ni Ma. Cecilia Victoria Cannon ng Corporate Communication ng B. Braun Phils.
“Out of the 18 IRM fund applications submitted by B. Braun Avitum, only 5 were approved. For these 5 applications, the submission of Memoranda of Agreement (MOA) was done towards the end of March 2020,” ani Cannon.
“The first release of funds was received only on the 27th of April, while the rest was received by B. Braun Avitum a week later on the first week of May. There is no truth to the allegations that B. Braun Avitum is favored,” dagdag pa niya.
Wala din daw katotohanan na may kaugnayan ang B. Braun Avitum sa dealings ng PhilHealth sa Balanga Rural Bank Inc.
“The PHP. 9.7 Million paid to B. Braun Avitum represents payments for legitimate reimbursement claims for dialysis treatments already rendered. These payments should have been received by B. Braun Avitum in May 2019, but the funds were received by B. Braun Avitum only in September 2019,” pahayag ni Cannon.
Pinabulaanan din ng B. Braun Avitum na sangkot ito sa PhilHealth credit ng P9.7 Million sa Rural Bank sa Balanga, Bataan, dahil wala umano silang account sa anumang bangko sa Bataan.
“Our corporate vision is to protect and improve the health of people around the world. In operating our dialysis centers, we are acutely mindful of this purpose,” wila ni Cannon.
“To date, B. Braun Avitum has rendered 589 treatments to 135 COVID+ patients across our hospital-based clinics. It is important to emphasize that without continuity of regular treatment, dialysis patients will die,” dagdag nito.
Sa pagdinig sa Senado noong Agosto 11, kinuwestyon ng mga senador ang pag-release ng P45 milyon na cash advances sa B. Braun Avitum sa pamamagitan ng IRM, na nakalaan lamang sa mga ospital na may mga pasyenteng may sakit na COVID-19.
Ang B. Braun Avitum Philippines Incorporated-isang family-owned company na 180 taon na sa industriya ng health care products at medical devices. Ito ay nag-o-operate sa mahigit 64 na mga mga bansa sa buong mundo.
Sa Pilipinas, nagsu-supply ito ng mga medical equipment at devices, maliban pa sa serbisyong dialysis treatment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.