Paolo Contis tanggap ba ang titulong Pandemic Superstar? | Bandera

Paolo Contis tanggap ba ang titulong Pandemic Superstar?

Ervin Santiago - August 19, 2020 - 09:17 AM

 

 

MAY bagong titulo na ngayon ang Kapuso host-actor na si Paolo Contis — yan ay ang pagiging “Pandemic Superstar”.

Kung maraming naapektuhan at nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 crisis, kahit paano’y may positibo pa rin itong dulot sa maraming Filipino.

Tulad na lang ng blessing na dumating kay Paolo habang kasagsagan ng lockdown sa bansa nitong nakaraang apat na buwan.

Talagang nag-hit ang dalawa niyang pelikulang “Through Night and Day”  at “Pangarap Kong Holdap” sa video-streaming site na Netflix. Nag-number one ang mga ito at naging hot topic sa social media.

Sa isang panayam kay Paolo, natanong siya kung ano ang feeling na tinatawag na siya ngayong “pandemic superstar.”

May nagbago nga ba sa kanya after ng back to back success ng dalawa niyang movie sa Netflix? “Wala naman,” simulang sagot ng aktor.

“Ever since naman ‘pag gumawa ka ng trabaho, gusto mo mapanood ‘yun ng tao, di ba? Na-late lang ‘yung akin. Two years lang na-late.

“Noong lumabas ‘yun ng 2018 hindi siya masyado napanood, siyempre may konting lungkot ‘yun.

“Pero ngayon na naipalabas, feeling ko lang natupad ko ‘yung trabaho ko na mapanood siya ng tao, pero siyempre you will not put that in your head,” paliwanag ng Bubble Gang star.

Sey pa ni Paolo, hindi siya yung tipo na nagpi-feeling sikat kapag may naa-achieve siya sa trabaho, pero aminado siya na napakasarap sa pakiramdam na maraming nakaka-appreciate sa pinaghirapan niyang mga proyekto.

“Once na napapunta ‘yan sa ulo mo, e, pabagsak ka na niyan. Pero huwag, ako naman masaya lang akong napansin ‘yung work. To begin with, ginawa ko ‘yung work na ‘yun para mapansin.

“Ayoko naman i-sekreto, hindi naman siya private movie. Happy lang ako na napanood siya, at siyempre may mga nakapansin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kung meron man dumating after niyan, ang goal mo lang diyan ay makapagtrabaho para sa pamilya more than anything else,” paliwanag pa ng Kapuso comedian.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending