Heart gustong magka-super power; gagamitin para sa mga hayop | Bandera

Heart gustong magka-super power; gagamitin para sa mga hayop

Ervin Santiago - August 18, 2020 - 01:11 PM

 

KUNG bibigyan ng super power ang Kapuso actress na si Heart Evangelista, ito ay ang maging “fairy godmother” ng mga hayop.

Isa si Heart sa mga kilalang celebrities na talagang nakikipaglaban para sa animal rights bukod pa sa pagiging number one supporter ng pet adoption.

Sa katunayan, meron siya ngayong adopted aspin — ang sikat na sikat na ngayong si Panda na laging bumibida sa mga litrato at video ng Kapuso fashion icon.

Ayon kay Heart, hinding-hindi siya mapapagod na manawagan at manghikayat ng tao na mag-ampon ng aso at pusa lalo na yung mga na-rescue sa lansangan o biktima ng pangmamaltrato.

Sa kanyang Instagram page, nag-post ng photo si Heart ng isang stray cat at dito nga niya nasabi na kung magkakaroon siya ng kapangyarihan gusto niyang bigyan ng bahay o matutuluyan ang lahat ng asong Pinoy at pusang kalye.

“What may seem small to you can mean the world to them. Met this angel a while ago and I can’t stop thinking about her.

“If I had a super power, it would be to give every single stray cat and dog a loving home.

“To anyone out there looking for a pet, I hope you consider adopting instead. You will change their lives, and they will also change yours. #AdoptDontShop #MahalKongSorsogon,” caption ng misis ni Chiz Escudero sa kanyang IG post.

Sa ngayon, si Heart ang celebrity spokesperson ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS). Nakiki-join talaga siya sa ilang rescue mission ng PAWS lalo na kapag may kalamidad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending