Antonio ayaw magtrabaho sa ibang network: Loyalty lang tsaka dahil sa Bubble Gang | Bandera

Antonio ayaw magtrabaho sa ibang network: Loyalty lang tsaka dahil sa Bubble Gang

Ervin Santiago - August 17, 2020 - 09:14 AM

 

SA kabila ng maraming offer para sa iba pang oportunidad, mas pinili pa rin ni Antonio Aquitania ang manatili sa GMA 7.

Ayon sa aktor, isa ang longest-running gag show na “Buble Gang” sa mga dahilan kung bakit nananatili pa rin siya sa Kapuso network.

Bukod kay comedy genius Michael V., si Antonio na lang ang natitira sa mga original cast members ng “Bubble Gang.”

Sey ni Antonio, kahit daw may mga nag-aalok sa kanya na mag-try ng ibang oportunidad, mas nanaig pa rin ang pagmamahal niya sa kanilang gag show.

“Yung loyalty nandu’n eh, nagsimula ako doon sabi ko, kailangan hindi ako aalis, ang gusto ko matapos ko ’yung show,” pahayag ni Antonio sa online talk show ni Paolo Contis na “Just In.”

“Hindi ’yung nagkaroon ka ng ibang opportunity sa iba na, well may mga chance naman, pero alam mo ’yun? Mahal mo eh, mahal mo ’yung show,” aniya pa.

Hindi rin naman daw kasi siya pinababayaan ng GMA, “Meron laging soap, meron silang binibigay. So ’yun na ’yung pinakabasehan ko eh na, bakit ako aalis, ’di ba? Kahit nagkaroon ng offer sa iba, mahalin mo kung anong meron diyan.”

Sey pa ni Antonio, “Baka kapag nagtrabaho ako sa iba, baka hindi ko rin magustuhan, ’di rin nila magustuhan ’yung ugali ko eh, ’di baka magsusuntukan kami doon,” natatawang biro ng aktor.

“’Yun ang pinakamahirap. ’Yun ang ayoko eh, ’yung makikipagtrabaho sa iba, eh baka mapaaway lang ako, huwag na lang,” dagdag na sabi pa ng komedyante na malapit na ring magbalik-taping para sa seryeng “Descendants of the Sun”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending