#GV-GV lang: ‘Spaghetti Song’ ng Sexbomb Girls na-predict daw ang COVID-19?
VIRAL na ngayon ang Facebook post na nagsasabing may koneksyon ang “Spaghetti Song” ng SexBomb Girls sa nagaganap ngayong COVID-19 pandemic.
Bentang-benta sa netizens ang paandar ng isang FB user na naisip pang ikonek at hit song ng grupo noon nina Rochelle Pangilinan sa killer virus na tumama sa buong mundo.
“SexBomb predicted COVID-19 15 years ago. Grabe talaga ang powerful ng SexBomb, imagine 15 years ago alam na nilang magkaka-COVID-19 and even promoted physical distancing!!!” ang post ng netizen na nagngangalang Vberni Regalado.
Ipinost din niya ang isang lumang litrato ng original SexBomb Girls at sinabing na-predict daw ng grupo ang COVID sa pamamagitan ng lyrics ng “Spaghetti.”
“Ispageti is the proof!!! Imagine nag-apir lang sumakit na ang ulo (headache) sumakit pa ang bewang (body pain), pati dibdib (shortness of breath) at tuhod (tiredness)—proof na sa isang apir lang nata-transmit ang virus at makakaramdam ka ng symptoms!!!”
“OMG SexBomb is such a genius *sinuntok ang pader*,” aniya pa.
Dagdag pa ng netizen, isa pang Facebook user ang nagsabi na ang “pababa at pataas” na lyrics sa kanta ay tumutukoy daw sa bilang ng COVID cases.
“And yes remember that Ispageti pababa at pataas—they know we won’t flatten the curve!!! (Thanks for pointing out Evangello Cyedel!!)” sabi pa ng netizen.
In fairness, marami ang naaliw sa nasabing FB post at habang sinusulat namin ito close to 60,000 na ang reactions ng netizens, at mahigit 2,200 comments at 33,000 shares na ito sa Facebook.
Ano naman kaya ang reaksyon ng Sexbomb Girls sa “prediction” na ito?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.