Sharon nakiusap, laging mag-face mask: Nakakatakot na pataas nang pataas ang bilang ng namamatay
IN-UPLOAD na ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang digital network sa YouTube kagabi bagama’t nu’ng Hulyo 30 pa niya ito na-shoot.
Ang titulo at caption ng pilot episode niya ay “In the time of Covid-19, let’s remember to be safe and be kind.”
Binasa ni Sharon ang mensahe sa kanya na puwede niyang i-share sa lahat ng followers niya.
Sana’y mag-ingat daw ang lahat sa COVID-19 dahil hindi pa rin ito nababawasan, bagkus ay dumarami pang lalo.
Kasabay nito pinayuhan din niyang manatili na lang sa loob ng bahay kung wala rin lang gagawing mahalaga sa labas.
“Aside from staying at home, maybe we should really follow the rules, wear your masks, please! When you wear your mask, you’re not actually wearing it for yourself, you are wearing it para po sa ibang tao.
“At ‘yung taong ‘yun, isinusuot din ang kanyang mask para rin po sa inyo at hindi lang para sa kanyang sarili. Hindi po biro ang hindi po magsuot ng mask ngayon.”
Ipinaalala rin ng Megastar na laging maghuhugas ng kamay ng 20 segundo sabay muwestra kung paano ang tamang paraan lalo na sa mga bata.
“Nakakatakot po, hindi po natin alam kung saan papunta ang COVID-19, buong mundo po ay naapektuhan hindi lamang tayo.
“Pero nakakatakot po na pataas nang pataas hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo ang mga kaso at mga namamatay.
“Pero sa awa po ng Diyos, marami naman ang nakaka-recover although marami na rin po ang nawalang mga buhay at marami pa ang lumalaban pa sa mga hospital sa buong mundo,” paliwanag ni Sharon.
“Sana po ay matuwa kayo sa bago nating SHOW! This is a new show. I’m so excited because ang dami po nating magagawa rito.
“It will improve lifestyle, everything about home, my favorites, things about me na mas personal na hindi n’yo pa nakikita ever before in public.
“Praying for my Sharonians and every one of you that you all stay safe and healthy. We will get through this and I ask you to please remember to be kind.
“Now, more than ever, kindness and love in the world is what we need the most,” pahayag pa ng Megastar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.