Dating NPA member itinumba sa harap ng pamilya sa Sorsogon | Bandera

Dating NPA member itinumba sa harap ng pamilya sa Sorsogon

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer |August 05,2020
facebook
share this

Dating NPA member itinumba sa harap ng pamilya sa Sorsogon

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - August 05, 2020 - 12:14 PM

Nasindak ang mga miyembro ng isang pamilya sa Sorsogon City nang patayin sa kanilang harapan ang kanilang padre de pamilya Martes (Aug. 5) ng gabi.

Nabatid na dating miyembro ng New People’s Army ang 49-anyos na biktima na si Alejandro Claveria, ng Barangay San Jose Maricrum, Bacon District, sa lungsod.

Base sa ulat, nanonood ng telebisyon ang biktima kasama ang kanyang buong pamilya bago mag-hatinggabi nang may sumigaw sa labas ng kanilang bahay.

Hindi pa man nakakalabas sa pintuan ang biktima ay pinagbabaril na ito bago mabilis na tumakas ang dalawang hindi nakilalang salarin.

Agad namatay si Claveria dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Inaalam pa kung may kinalaman sa kanyang dating pagiging rebelde ang pagpatay sa kanya o may iba pang motibo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending