Ex-senator, 'Student Canteen' host Eddie Ilarde pumanaw na sa edad 85 | Bandera

Ex-senator, ‘Student Canteen’ host Eddie Ilarde pumanaw na sa edad 85

Ervin Santiago - August 04, 2020 - 09:34 PM

 

PUMANAW na ang TV-radio host ay dating senador na si Eddie Elarde ngayong araw. Siya ay 85 years old.

Kinumpirma ng isa sa mga kapamilya ng beteranong broadcaster na si Laila Magistrado Ilarde-Ramos ang malungkot na balita sa pamamagitan ng Facebook.

Ipinost ni Laila sa kanyang FB page ang collage ng mga litrato ng dating senador kasama ang ilang kaanak at kaibigan.

“Rest in Peace, Uncle Eddie….

“One of Bicol’s Pride:

Former Senator EDGARDO U. ILARDE.

“August 25, 1934 – August 04, 2020

“You may be gone,  but never forgotten….” ang mensaheng inilagay niya sa kanyang FB status.

Ayon sa pamilya ng yumaong TV at radio host, sumakabilang-buhay ito ganap na 11:40 a.m. kanina sa bahay nila sa Makati City.

Ang kanyang labi ay agad na iki-cremate ngunit agad nilinaw ng kanyang pamilya na hindi COVID-19 ang kanyang ikinasawi.

Nakilala si Eddie Ilarde bilang host sa telebisyon, kabilang na riyan ang noontime variety show na “Student Canteen” at “Swerte Sa Siyete”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naging host din siya sa mga radio program na “Kahapon Lamang”, “Dear Kuya Eddie” at “Napakasakit, Kuya Eddie” noong dekada 80.

Naging councilor siya sa Pasay City mula 1963 hanggang 1965 at naging  assemblyman din hanggang sa manalong senador sa Seventh Congress mula 1970 hanggang 1973.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending