John Regala naka-confine na sa ospital, sakit sa atay lumala

Ervin Santiago |August 04,2020
share this

John Regala naka-confine na sa ospital, sakit sa atay lumala

Ervin Santiago | August 04,2020 - 04:14 PM

 

 

NAKA-CONFINE na ngayon sa ospital ang veteran actor na si John Regala para sumailalim sa ilang laboratory tests.

Ito’y para malaman kung ano na ang kundisyon ng kanyang liver cirrhosis at iba pang iniindang karamdaman.

Ang dating child star na si Chuckie Dreyfus ang nagbigay ng update medical condition ni John sa pamamagitan ng kanyang social media account.

Dito, kinumpirma ni Chuckie na base sa blood chemistry results ng magaling na aktor, medyo hindi na stable ang kundisyon ng kanyang atay.

“Earlier (Monday), Dra. Melissa Sinchongco visited John because he was complaining of excruciating pain. John’s recent blood chem results have come out and shows that his creatinine levels and liver functions are very bad.

“The swelling of his feet is also caused by his liver’s lack of function. He was brought to the hospital and is currently in confinement.

“He is scheduled for more laboratory tests, as well as ultrasound. In addition, John was also checked for COVID-19 in the hospital via rapid test to ensure his safety and the safety of those caring for him,” ang pahayag ng dating aktor na isa ngayon sa mga tumutulong para maibigay ang mga pangunahing pangangailang ng aktor.

“Currently, John is being monitored closely and being given the necessary medical care he desperately needs. We will continue to update everyone on John’s condition and hopeful improvement,” dagdag pa ni Chuckie.

Bukod sa kanya, nakatutok din sa health condition ni John sina Nadia Montenegro, Aster Amoyo at Liza Dino na siyang nananawagan ng tulong para sa iba pang pangangailangan ng magaling na kontrabida.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending