Bashers na galit na galit sa ABS-CBN supalpal kay Kuya Kim: Define oligarch?
HINDI mapagpatol ang Kapamilya TV host na si Kim Atienza sa bashers pero mukhang hindi na niya natiis ang mga epal at nagmamarunong na trolls sa social media.
Binasag ni Kuya Kim ang ilang netizens na nag-comment sa isa niyang Instagram post tungkol sa patuloy na pagseserbisyo-publiko ng ABS-CBN sa pamamagitan ng online streaming.
Talagang nakipagsagutan siya sa mga bashers na patuloy ang pambabagsak sa Kapamilya Network kahit na nga nagsara na ito at nagresulta sa malawakang retrenchment.
Mensahe ni Kuya Kim, “Tuloy ang serbisyo. Baka dito talaga papunta ang telebisyon, nauna lang kami dahil sa mga nangyari?
“Praise God, Lahat may dahilan!” aniya pa.
Sinagot ito ng isa niyang IG follower ng, “In the service of the oligarchs.” Na inalmahan naman ni Kuya Kim at nag-reply ng, “Define oligarch?”
Ngunit hindi ito diretsong sinagot ng basher sa halip sinabihah nito ang TV host ng, “Stupid question. I don’t quarrel with street fight.”
Napansin naman ni Kuya Kim na halos pare-pareho ang mga komento ng netizens sa kanyang IG post, puro “In the service of the Oligrachs” ang sinasabi ng mga ito.
“Pare pareho ang assignment ng mga troll. cut and paste,” hirit niya.
Isang netizen naman ang nagsabing, “Troll di sang-ayon sa inyo no? If your network is for the service of the Filipino, can you share a documentary about high cost of electricity and water? Wala dba, puro drama lang?”
Sinang-ayunan naman ito ng iba pang namba-bash kay Kuya Kim na nagsabi pa ng, “Unfollow. In the service of the oligarchs.”
Sagot naman ng TV host sa kanila, “Please do.” Na sinagot uli ng basher ng, “Yup. Death to ABS-CBN celebrity Oligarchy.”
Bwelta sa kanya ng TV Patrol weatherman, “Celebrity oligarchy? bago yun ah. please define?”
Batay sa isang dictionary, ang “oligarkiya” ay tumutukoy sa grupo ng ibdibidwal na may kontrol sa isang organisasyon o isang bansa.
Kung matatandaan, ilang beses nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ikalima niyang SONA ang salitang oligarchy na aniya’y matagumpay niyang nalansag sa loob ng apat na taon niyang pagiging Presidente ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.