outbrain

Pamilya ng BF ni Alex Gonzaga, namanhikan na

By Reggee Bonoan August 01,2020
share this

Pamilya ng BF ni Alex Gonzaga, namanhikan na

By Reggee Bonoan August 01,2020 - 04:13 PM

“Malapit na po kaming magkaisang dibdib at finally, mami-meet na niya ang walwal ng Taytay!

“Pagkapatay ng ilaw, talagang walwalan na ‘to at sa gabing iyon, isa ka sa pinagpala dahil makikita mo na ang Yamahista treasure ng Taytay!”

Yan ang magkasunod na pahayag ni Alex Gonzaga tungkol sa future husband niyang si Mikee Morada.

Sa ikatlong taong anibersaryo ng YouTube channel ni Alex nu’ng Hulyo 25, namanhikan ang pamilya ng boyfriend na isang konsehal ng Lipa City.

Ang nakaraang dalawang taon ay naiselebra ng sikat na vlogger/YouTuber sa pamamagitan ng concert at nakipagkita pa siya sa kanyang mga supporters.

Aniya, “ito na lang ang naisip kong i-post, ang pamamanhikan ng Morada family, though nag-meet naman na dati, so bale 2nd time na ito sa bahay namin ang I’m very, very happy and excited. Kaya ito na lang ang naisip ko guys para mag enjoy din kayo.

“Ano tawag dito sa pagbisita nila (Morada family)”tanong ni Alex sa fiancé niyang si Mikee, “pamamanhikan” sabi ng binata.

Ang nasabing video na inupload ngayong Agosto 1 ay may pamagat na “Pamamanhikan 2020, Piesta ng pagmamahalan nina Gonzaga at Morada.”

Umaga palang ay maririnig na sa video ang boses ng mommy Pinty ni Alex na nagma-mando na at kasama ang daddy Bono sa sinasabihan.

Bandang 6 p.m. ay dumating na ang mag-asawang Toni at Direk Paul Soriano kasama ang anak nilang si Seve na hindi pinapansin ang Tita Alex niya at mas gustong naglalaro lang.

Iginala rin ni Alex ang camera sa dining room nila kung saan gaganapin ang magarbong hapunan. Isang chef ang nagluto at nag-ayos ng magagandang bulaklak sa 20-seater dining table.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya naantala ang pagdating ng pamilya ni Mikee. “For the first time, kaming family Gonzaga ang maaga pero understandable kasi malayo pa ‘yung pinanggalingan nila so stress na si Mikee,” kuwento ni Alex.

Kinunan din niya ng video ang mga kasambahay nilang hawak-hawak ang mga payong at nag-aabang sa pagdating ng pamilya Morada.

Sabay kanta ni Alex, “our family will meet now today is the day, tonight is the night that Gonzaga and Morada together again, I love you my love (sabay lapit ng camera kay Mikee), your mama will say hi to my papa and your papa will say hi to my mama.”

Hanggang sa dumating na nga ang pamilya ng mapapangasawa, “kinakabahan ako, mommy (Pinty).” Sagot naman ng ina, “Relax and be calm.”

Base sa video ay kapatid na lalaki ni Mikee with girlfriend, kapatid na babae kasama ang anak at magulang ang dumalo sa pamamanhikan.

Saktong 7:30 p.m. nagsimula ang hapunan at kuwentuhan to the max habang abala pa rin si Alex sa pagkuha ng video.

May nag-voice over na, “nagpapasikat si Catherine (sa pagtimpla ng kape) sa kanyang future sister –in-law barista siya ng Morada.”

Hindi naman nagtagal ang hapunan dahil 9:35 p.m. ay pauwi na ang pamilya Morada.

Pinasalamatan ni Alex ang ate Toni niya dahil naging biglang naging host nu’ng gabi, ang magulang ni Mikee na soon ay matatawag ng ‘ma at pa’ ng dalaga at higit sa lahat, sinigurado naman daw na safe ang pagpunta nila sa bahay ng mga Gonzaga kahit wala silang suot na face mask at face shield base na rin sa health measures.

Binati rin ni Alex ang mga taga-Lipa City bayan ni Mikee, “sa mga taga Lipa, ako na po ang bago ninyong kababayan.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending