Robin iniligtas ng guardian angel: Kung hindi, the end! Sigurado goodbye Philippines! | Bandera

Robin iniligtas ng guardian angel: Kung hindi, the end! Sigurado goodbye Philippines!

Ervin Santiago - July 31, 2020 - 09:23 AM

NANGHINA ang buong katawan ni Robin Padilla sa isang eksena sa bahay nila kamakailan na muntik na niyang ikinamatay.

Nai-share ng action star sa kanyang Instagram followers ang nasabing insidente na naganap sa tahanan nila ni Mariel Rodriguez.

Abot-langit ang pasasalamat ni Binoe dahil walang nangyaring masama sa kanya habang inaayos ang nasirang water pump at filter ng kanilang swimming pool.

Post ni Robin sa Instagram, “Kwento ko lang ang umaga ko mga kapanalig. Alhamdulillah hindi pa ako binisita ni angel Azrael.

“Magmula nong lockdown kami kami na lang ang gumagalaw dito sa Palais de Tres Marias kapag may maintenance problem hanggat kaya ng aming pag intindi dahil last option sa amin ang taga labas malaki ang takot namin na mahawa ang mga bata sa virus covid 19,” simulang kuwento ng aktor.

Pagpapatuloy pa niya, “Nagkadiperensya ang main water pump and filter ng swimming pool namin kaya gumagamit ako ng submersible pump para umikot ang cycle ng tubig at hindi magstagnant ang nasa malalim.

“Araw araw hanggang gabi manual ko lang ginagawa ang paglipat ng pump at pagbuga ng tubig paikot ng swimming pool. Ngayon umaga na ito naiba lahat ang ganap.

“Pag check ko ng wire hiwa ito at nakasilip na ang negative, positive at ground wire. Allah hu akbar, kung nagkataon na nagpabaya ako at basta na lamang inilipat ang pump at maiplug sa kuryente sabay lusong ako sa tubig…. Yun!!! The end sigurado ako, goodbye Philippines!”

Buti na lang daw nakasanayan na niyang i-check muna ang wire bago lumusong sa pool, “Alhamdulillah naging routine ko ang mag check ng wire bago lumusong sa tubig kasama yun pump kasi yun ang palaging paalala ng aking guardian angel sa isip ko bago matulog at pagkagising na kahit na waterproof at guaranteed safe ang pump always check the wire dahil kuryente at tubig hindi dapat biruin.

“Alhamdulillah it is a blessed day for me Allah hu akbar, nakapanghihina pala ang mga ganitong ganap ma shaa Allah mapapaisip ka rin at matitigilan, paano nga kaya kung hindi ako nag check? Astigfirullah Astigfirullah Astigfirullah,” pahayag pa ni Binoe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending