Resbak ni Sunshine sa bashers: Hindi po ako aktibista, isa lamang akong ina
AKTIBISTA na nga ba ang Kapuso actress na si Sunshine Dizon na matapang na kumontra sa bagong-pasang Anti-Terrorism Act (ATA) of 2020.
Isa si Sunshine sa mga celebrities na hayagang tumutol sa pagsasabatas nito dahil sa ilang probisyon na nakasaad dito na maaaring maabuso.
Bugbog-sarado si Sunshine sa mga bashers lalo na sa mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte pero mukhang dedma lang ang aktres kahit pa may nagbabanta pa sa buhay niya.
Sa kanyang Instagram account, ipinost pa ng aktres ang screenshot ng naging komento ng isa raw niyang fan. Tinanong siya nito kung “aktibista” na rin siya dahil nga sa mga ipino-post niyang pagtutol sa gobyerno.
“Nagiging aktibista ka na rin po ba? Mas maganda po focus ka sa pagluluto at sa mga kiddos mo.
“At maganda ung ipost goodvibes pa po. Mas maganda tahimik at walang nagbabash sayo. Fan mo po ako since AnnaKarenina,” ang sabi ng netizen na ang tinutukoy ay ang teleserye niya noon sa GMA (1996).
Sagot naman sa kanya ng aktres, “Hindi po ako aktibista, isa lamang akong ina na nagnanais ng mas maayos at payapa na pilipinas.
“Tanggap ko na din po ang bashers kung kapalit naman ay kamulatan ng mga nag tutulogtulugan.
“Ipagdasal po natin wag dumating ang panahon na kailanganin na ng ibang magsalita pero wala nang makikinig at o di kayat lagyan din ng busal ang kanilang mga bibig.
“Wala pong masama maghangad ng mabuti para sa bayan.
“Ano po ang masasabi nyo kung sakaling boses mo lang pala ang kailangan upang masimulan ang pag babago pero hindi ka nag salita.”
Hirit pa ni Sunshine sa caption ng kanyang post, “Napaisip ako sa aking sinabi. Paano kung ikaw na lang pala ang hinihintay?”
Ilang sandali lang matapos itong i-post ng aktres ay sunud-sunod na batikos agad ang inabot niya, at pati ang kanyang pamilya ay dinamay na rin.
May isang netizen ang nagsabing huwag na siyang makialam sa Anti-Terrorism law at iba pang issue ng gobyerno at mag-focus na lang sa pag-aalaga sa kanyang pamilya.
Sinabihan pa siya nito na kaya raw sila naghiwalay ng asawang si Timothy Tan ay dahil kasalanan din niya dahil baka hindi niya nagampanan ang tungkulin niya bilang asawa.
Kung matatandaan naghiwalay ang mag-asawa ilang taon na ang nakararaan dahil umano sa third party.
Narito naman ang bwelta ni Sunshine sa netizen, “Wow the best comment ever.
“Fyi i never claimed that I have a perfect marriage but I can guarantee you that my life is so much better than yours because I would never resort to saying things like you would.
“And next time wag nakikilam sa buhay ng may buhay. #chismosa may kakalagyan ka din balang araw.”
Comment naman ng isa pang netizen, “Grabeee yung busal sa bibig!!!! Uo nga sa pagsasalita mo nga naman may nabago ba???”
Reply ni Sunshine, “Yes because you followed me to comment. Thanks have a great day??”
Ito naman ang resbak ng Kapuso actress sa basher na tumawag sa kanya ng laos, “Ay bakit po kayo tumatambay dito kung laos naman po pala ako?
“Bakit po kayo nanggagalaiti sa post ko. Diba marami po kayo bakit di din kayo mag post at gumawa ng sarili nyong account and say how happy you are.
“That you don’t want change. Why are you wasting your time here? Honestly if im so irrelevant you would even waste your breath on posts from a laos na artista,” matapang na pahayag ni Sunshine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.