#WalangTF: Alessandra libreng tumutulong sa online sellers kahit 'pa-bankrupt' na | Bandera

#WalangTF: Alessandra libreng tumutulong sa online sellers kahit ‘pa-bankrupt’ na

Ervin Santiago - July 31, 2020 - 09:14 AM

KAHIT paubos na umano ang kanyang savings, libre pa ring ibinibigay ni Alessandra de Rossi ang kanyang “serbisyo” sa mga nangangailangan.

Walang tinatanggap talent fee o kahit ano mula sa mga online seller at small business owner na tinutulungan niya sa pamamagitan ng kanyang social media accounts.

Ibinahagi ng award-winning actress sa kanyang fans and followers ang kaligayahan na naramdaman niya nang magpasalamat ang online seller na tinulungan niya sa pamamagitan ng pagpo-promote ng mga produkto nito sa kanyang Instagram.

Ikinatuwa raw niya ang comment nito na isa raw siyang hulog ng langit sa mga maliliit na negosyo ngayong panahon ng krisis.

Ang iba kasing celebrities at social media influencers ay may hinihinging talent fee kapalit ng pagpo-promote sa kanilang socmed accounts at vlogs pero si Alessandra kahit daw “pa-bankrupt” na ay libre pa ring tumutulong.

“Wala akong matweet na fun dahil pandemic. Yung IG ko mukhang tindahan, makatulong lang sa online sellers.

“Kanina may tinulungan ako kahit pabankrupt nako, sabi nya, Alex, hulog ka ng langit. Di ko naman inexpect pero napangiti nya ako. Hindi yun mapapalitan ng mga lait nyo sakin,” tweet ng dalaga.

Samantala, nag-apologize rin si Alex sa madlang pipol sa ginagawa niyang pagtatanggol sa kanyang mga kaibigang artista na bagamat todo na ang ginagawang pagtulong ay bina-bash at binu-bully pa ng netizens, kabilang na riyan si Angel Locsin.

Ani Alex, “And sorry din sa pagtatanggol ko sa mga kaibigan ko. Nahuhurt talaga ako kasi alam ko ang totoo. Ayoko sa mga naninira ng kapwa. Lalo na ‘tong mga ito. Sorry po. Have a nice day!”

Hirit pa niya sa mga mambabasag sa post niya, “At sa sweet ng tweet ko na yun, once na makabasa ako ng “pero ganito or ganyan” ay ibloblock ko agad AT, ngayon pa lang, humihingi na ako ng tawad. Ang ganda ng mood ko. Wag BV.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending