Anak ni Allen Dizon kinarir ang pagganap bilang batang Gloria Diaz | Bandera

Anak ni Allen Dizon kinarir ang pagganap bilang batang Gloria Diaz

Reggee Bonoan |July 28,2020
facebook
share this

Anak ni Allen Dizon kinarir ang pagganap bilang batang Gloria Diaz

Reggee Bonoan - July 28, 2020 - 06:21 PM

 

NU’NG ipakita ng manager ni Allen Dizon na si Dennis Evangelista sa amin ang larawan ng panganay nitong anak na babae ay nagulat kami.

Hindi namin akalain na may dalaga na palang anak ang aktor, hindi naman kasi siya nagkukuwento tungkol sa pamilya niya. Katwiran ni Allen inilalayo niya ang private life niya sa showbiz

Pero since pinasok na rin ng panganay niyang si Nella Dizon ang showbiz at gustong sundan ang yapak ng ama ay wala nang magawa si Allen kundi i-welcome ang anak.

Sakto naman dahil ang unang project ni Nella ay ang iWant Original series na may titulong “Beauty Queens” na umere na noong Hulyo 15.

Ito’y pinagbibidahan nina Gloria Diaz (Miss Universe 1969); Maxine Medina (Miss Universe-Philippines 2016); Wynwyn Marquez (Miss World Philippines 2017-Reina Hispanoamericana Filipinas); James Blanco at Maris Racal na idinirek ni Joel Lamangan, produced by Allen Dizon mula sa ATD Entertainment Production.

Nang solo naming makausap si Allen ay nabanggit niyang bata pa lang si Nella ay gusto na nitong pasukin ang showbiz pero sinabihan niyang unahin munang tapusin ang pag-aaral.

At dahil bakasyon naman at walang pasok ay pinagbigyan ni Allen na isama ang anak sa “Beauty Queens” para sa role na batang Gloria Diaz

Sa ginanap na virtual presscon gamit ang Zoom app ng “Beauty Queens” ay tinanong si Nella kung namamana ang pag-aartista dahil ito ang nakagisnan niyang ginagawa ng ama.

“Siguro nga po ang pag aartista really runs in the blood. Ewan ko nga ba, talaga pong hilig ko ang umarte. At iba pong fullfilment para sa akin ang pag arte,” sambit ng dalaga na puwede ring sumali sa beauty contest.

Dagdag pa niya, “Ang major requirement po sa akin ni daddy dapat makatapos ako ng pag-aaral or hindi ko mapabayaan ang pag-aaral at mahalin ang propesyon na ‘to. Yon lang naman po.”

At dahil batang Gloria Diaz ang ginampanang karakter ni Nella ay abut-abot ang pressure sa kanya, “Siyempre, beauty icon po siya, tinitingala kaya nag-homework ako talaga. Pinag-aralan ko po yung mga galaw niya at nagbasa ako about her,” aniya.

At dahil premyadong aktor ang ama ni Nella ay aminadong challenge sa kanya ang unang project, “Sobrang challenge po ito para sa akin. Kasi si daddy palaging nananalo ng award. Pati sa abroad recognized siya. Sabi ko, gagalingan ko rin tulad ni daddy.

“Pero naisip ko, dapat on my own. Dapat may sarili akong identity. Na magsa-shine ako on my own. Walang katapusang pag-aaral po siguro ang kailangan kong gawin.

“Hindi ko po iniisip na pressure ang maging anak ng multi-awarded actor. Instead, gusto ko po siyang gawing inspirasyon. Super proud po ako kay daddy, I wish maging mahusay rin akong artista in the future. Pagbubutihin ko po talaga,” sabi pa ng dalaga.

At dahil patapos na ng senior high si Nella ay hindi pa siya full blast sa acting dahil nga usapan nilang mag-ama ay tapusin muna niya ang pag-aaral.

“Need ko po ituloy ang pag-aaral ng Architecture as my preferred course. Sana mapagsabay ko po pero priority talaga ang pag-aaral po.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang lagi pong pinapaalala ni daddy sa akin ay kung gusto talaga ang career na ito dapat mahalin ko siya. Paghusayan ang pag-arte at patuloy na pag-aaral para mapahusay pa lalo. Importante din din po ang professionalism. Wag mali-late at wag lalaki ang ulo,” kuwento ni Nella.

Mapapanood ang “Beauty Queens” nang libre sa iWant app (iOs at Android) o iwant.ph.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending