Pang-asar ni Agot: Ayan ha, may ambag na ako sa sambayanang DDS | Bandera

Pang-asar ni Agot: Ayan ha, may ambag na ako sa sambayanang DDS

Ervin Santiago |July 28,2020
facebook
share this

Pang-asar ni Agot: Ayan ha, may ambag na ako sa sambayanang DDS

Ervin Santiago - July 28, 2020 - 06:09 PM

 

Pang-asar ni Agot: Ayan ha, may ambag na ako sa sambayanang DDS

BINASAG na naman ng singer-actress na si Agot Isidro ang mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

As expected, binanatan ni Agot ang laman ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ng Presidente kahapon. Para sa kanya, wala itong kuwenta.

“Ang SONA na walang sustansya. Ktnxbye,” ang maikling paglalarawan nito sa SONA ni PDigong.

At dahil inaasahan na niya ang pambabatikos at pagresbak ng mga DDS o Diehard Duterte Supporters, may pang-asar pa siyang mensahe sa mga ito.

“To all the trolls and bashers today, Welcome to my timeline. Feel free to comment.

“Ayan ha, may ambag na ako sa sambayanang DDS. #feelinggenerous #AyudaNiAgot,” aniya.

Kasabay nito, sinupalpal din ng aktres ang isang basher na nag-comment sa kanyang video tweet kung saan mapapanood ang compilation ng mga naging pahayag ni Pangulong Duterte tungkol sa COVID-19 pandemic.

Ipinost niya ito bago ang ulat sa bayan ng Pangulo at nilagyan ng caption na, “We Heal Aswang.” Sinundan pa niya ito ng, “As one as one pa kayo, aswang na gobyerno. Yan ang tawag sa inyo.”

Komento ng hater sa kanyang post, “I pity you agot. Your personality is so toxic.

“You are full of negativity and hatred. And that makes you so kawawa. Even your breath is so toxic.

“You will die an old maid. No love. No life. Ay na tweet.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinupalpal naman siya agad ni Agot, “Ako ba mananampal ng veerus? Ako ba nangutang ng bilyones?

“Ako ba may powers? Ako pa ang toxic? Teh….?” na ang tinutukoy nga ay ang mga naging pahayag ng Pangulo sa kanyang SONA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending