Sunshine kinuyog ng mga anti-ABS-CBN; tinawag na 'bopol', 'gonggong', 'epal' | Bandera

Sunshine kinuyog ng mga anti-ABS-CBN; tinawag na ‘bopol’, ‘gonggong’, ‘epal’

Ervin Santiago |July 28,2020
facebook
share this

Sunshine kinuyog ng mga anti-ABS-CBN; tinawag na ‘bopol’, ‘gonggong’, ‘epal’

Ervin Santiago - July 28, 2020 - 09:49 AM

 

“BINUGBOG” ng ilang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kapuso actress na si Sunshine Dizon.

Kung anu-anong masasakit na salita ang ibinabato ngayon sa kanya ng mga anti-ABS-CBN at supporters ng pamahalaan matapos magpahayag ng kanyang saloobin tungkol sa ilang kontrobersyal isyu sa bansa.

“Boba, “gonggong”, “bopol”, “epal”, “sawsawera” at kung anu-ano pang malilisyosong salita ang tawag ngayon sa kanya ng bashers dahil sa pagsasalita niya about Anti-Terror Law, ABS-CBN shutdown at COVID-19 pandemic.

Matapang itong ipinost si Sunshine sa kanyang Facebook account at nagsabing wala na siyang pakialam sa mga haters dahil handa na siyang makipagbakbakan sa mga ito.

“Bago nyo ako husgahan at tawaging bobo gaya ng iba dyan na ang huhusay at ang lalakas ng loob mang liit ng kapwa nilang Pilipino kahit wala naman sila ni singkong na i ambag para sa kultura at bayan, Oo hindi po ako abogado pero marunong po akong mag basa at marunong din akong umintindi.

“Gusto ko pong mamuhay sa Pilipinas kasama ng aking mga anak, pamilya at mga kaibigan ng payapa at walang takot na may mga tao na matatas at makapangyarihan na pwedeng abusuhin ang batas na dapat ay poprotekta sa ating lahat.

“Gusto ko pong mamuhay na walang takot na ako ay pwedeng mapag susupetyahang terrorista dahil nilabas ko lang ang aking mga saloobin o akoy sumali sa isang protesta.

“Hindi tamang mawalan tayo ng boses at karapatang pumuna kapag tayo ay may mga mali nang nakikita.

“Gusto kong lumaki ang aking mga anak sa ating bayan na malayang makakapagpahayag ng kanilang saloobin, rerespetuhin ang kanilang karapatang pantao.

“Wag na tayong mag bulagbulagan kailangan nating ipag laban ang ating kalayan at protekatahan ang ating karapatang pantao,” ang bahagi ng FB status ng Kapuso actress.

Comment ng isang netizen, “Gonggong ka m_sunshinedizon tsinelasen kita dyan eh, basahin mo batas, kahit mag rally kapa araw2x mag express na ayaw mo sa govt. Hindi yan ma consider na terrorist act… bopol natu!!!”

Resbak ni Sunshine, “You are a perfect example of how low one can get. We are all entitled to our own opinions regarding issues PERO HINDI TAMA MA MERSONAL.

“Mukang ikaw po ang walang pinag aralan sa inaasta mo. Pakita ka din po ng picture wag duwag na nag tatago sa fake accounts.

“Basa po ng maigi hindi ko po sinabing hindi ako pabor sa batas that should protect us from terrorism, what I don’t agree with is it open to abuse. Ay sorry sana tinagalog ko para na gets mo.”

Isang basher naman ang nagsabing hindi niya dapat ipinagtatanggol ang ABS-CBN dahil sa umano’y mga violation na nagawa ng istasyon.

“ANG BATAS AY BATAS! KASALANAN PO NG ABS-CBN UN AT TNX SA PANGULO NATIN NGAUN DHIL NBIGYAN NG HUSTISYA ANG PANLALAMANG NILA!” hirit ng hater.

Sagot naman sa kanya ng Kapuso actress, “Kung may pagkakamali man sana binigyan man lang ng pag kakataon para baguhin at itama ang mga pagkakamali para sa mga manggagawa dahil 11,000 na pamilya ang mas apektado lalo na ngayong may covid.

“Nirerespeto ang opinion mo pero sana makita mo sa puso mo ang awa para sa mga tao,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon naman sa isang DDS, nagmamagaling, nagmamarunong, at hindi raw marunong umintindi si Sunshine, “Kuntento ako sa presidente na binoto ko!”

“Kung personalan na din po pala. Ibabalik ko din sayo na para saakin ay nag mamarunong ka din at hindi marunong magbasa at umintindi. At talagang marami ding MGA KATULAD mo,” bwelta naman ni Sunshine.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending