Ate Vi for vice-president sa 2022: No political ambition po…
HINDI sinagot ni 6th District, Batangas Rep. Vilma Santos-Recto ang tanong ni Ogie Diaz kung hindi siya hinigpitang makuha ang funds para sa constituents niya matapos pumabor sa ABS-CBN franchise renewal.
Sa nakaraang Facebook Live nina Ogie at MJ Felipe ay isa ang kongresista sa nanonood kaya nag-hi ito sa kanila. Sinamantala naman ng dalawang radio host ang chance at nagtanong sa actress-politician.
Ang sabi ni Ogie, “Kasi normally ganyan ang mangyayari sa kongreso kapag hindi ka umayon sa gusto nila ng speaker o ng nasa taas ay mararamdaman mo ‘yan kapag hindi mo nakuha ‘yung funds mo o pork barrel ika nga para sa constituents mo.”
Dagdag pa niya, “Naku, mahal na mahal ni ate Vi ang industriya. Actually mas mahal ni ate Vi ang industriya kaysa pulitika, totoo ‘yan.”
Hirit naman ni MJ, “Sana Ogs si ate Vi, tumakbo ng Vice President (Pilipinas).”
Sagot ni Ogie, “Ay, naku ate Vi, anuman ang takbuhin mo, nasa likod mo ako ate Vi.”
Ang mga nanonood kina Ogie at MJ nu’ng gabi na umabot sa mahigit 1K ay nag-comment sa “Robredo-Recto” tandem sa 2022.
“Oo nga, sana mag-vice president si Ate Vi,” susog ni MJ.
“Alam na niya ‘yan, from mayor to governor to congresswoman. Diyos ko po! Puwede Vi, Ate Vi?” sabi naman ni Ogie.
Ang sagot ni Congw. Vilma, “Sobra naman! Salamat po salamat po! Lagi niyo lang ipagdasal pamilya ko bansa natin at guidance sa pagiging public servant ko! Love you Mama Ogs. Miss you too MJ! Ingat kayo palagi! Love you.”
“So hintayin natin ang sagot ni Ate Vi, kapag hindi siya sumagot, ibig sabihin YES (kakandidatong bise presidente sa 2022),” say ni Ogie.
Ang sagot kaagad ni Congw. Vi, “No political ambition!”
Hirit ni Ogie, “Ate Vi, ikaw ang kailangan namin, eh! ‘Yung tulad mo ang kailangan namin.”
At dahil gumanap ding Darna si Ate Vi sa pelikula ay nagbiro sina Ogie at MJ ng, “Ang ‘bato’ ay walang silbi! Ang bato ay walang silbi kasi ayaw ni Ate Vi.”
Inulit-ulit pa talaga nila ang salitang “bato” na wala raw silbi dahil ayaw nga ni Darna.
At naalala namin bigla na nag-trending kamakailan si Sen. Bato dela Rosa sa social media sa sinabi niyang hindi siya apektado sa pagsasara ng ABS-CBN dahil hindi naman siya ABS, may ibang news outfit naman daw na puwede niyang panoorin.
Ang ikinagigil pa sa sinabi ng senador, “Hanap ng ibang trabaho para mabuhay at magsumikap. May ibang paraan pa naman siguro para mabuhay tayo.
“Hanap ng ibang jobs. Alangan namang sabihin ko sa kanila na maghimagsik kayo; magwala kayo? Maghanap na lang ng ibang trabaho para mabuhay pamilya,” aniya pa.
Going back to Ate Vi, muling humirit si Ogie ng, “Isinasara na kaya ni ate Vi na hindi niya tatanggapin? Pag sumagot si ate Vi, ‘yan ang paniniwalaan natin, pag hindi sumagot si ate Vi, malamang pinag-aaralan na niyang tumakbo.”
Natawa naman si MJ, “Pine-pressure mo talaga siyang sumagot.”
At sumagot na si Ate Vi ng, “Natatawa ako sa inyo! Miss ko mga kwentuhan natin! Stay safe always! Niloloko n’yo na ako. Ingat kayo palagi ha! Love and miss you all!! Have a good night!”
“Hayan nag-good night na si Ate Vi, huwag na natin siyang sulsulan,” hirit pa ni Ogie.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.