Payo ni Donita Nose kontra-COVID: Wag muna mag-diet...kumain kayo, palakasin ang katawan | Bandera

Payo ni Donita Nose kontra-COVID: Wag muna mag-diet…kumain kayo, palakasin ang katawan

Ervin Santiago - July 26, 2020 - 12:48 PM

 

 

ANUMANG oras mula ngayon ay malalaman na ni Donita Nose kung meron nga siyang COVID-19.

Naka-confine ngayon sa St. Luke’s Hospital ang Kapuso comedian para gamutin ang kanyang pneumonia at para maagapan din ang pagkahawa niya ng coronavirus.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook Live naipaalam ni Donita Nose ang kanyang kundisyon sa publiko para magsilbing paalala na delikado pa rin talaga ang paglabas-labas sa gitna ng pandemya.

Ani Donita, ramdam na ramdam niya ang mga sintomas ng COVID-19, “One week na nilalagnat, sumakit ‘yung ulo, then nagtae so para siyang ano, so parang it’s COVID, parang ganu’n na rin.

“Nagpa-swab test na ako. I’m here sa hospital right now. Kinuhanan ako ng mga test, sa dugo, sa lahat. Ang pinaka-result na lumabas is may pneumonia na ako,” bahagi ng pahayag ng TV host-comedian.

Sa isa pa niyang FB Live bago siya tuluyang matulog at magpahinga, pinasalamatan muna niya ang lahat ng nagdarasal at tumutulong sa kanya ngayon.

“Sobrang daming nagmamahal sa akin. Ang daming nagpapadala ng tulong ng kusa. Maraming maraming salamat sa mga kaibigan ko. Kakayanin ko ‘to kahit mag-isa lang ako.”

“Bago ako matulog lalo akong sumaya kasi si Kuya Wil pinadalhan din niya ako ng tulong. Kuya Wil, thank you! I love you, kuya! Alam ko mahal mo pa rin ako at mas mahal na mahal kita.

“Magpapagaling ako lalo para mapasalamatan pa kita nang bongga sa lahat ng kabutihan mo sa akin. Thank you, Kuya Wil!” sabi pa ni Donita.

Mensahe pa niya, “Laban ko ‘to, sige kaya ko ‘to kahit mag-isa lang ako. Kaya kayo, guys, mag-ingat kayo, guys. Huwag ninyong gawing biro ‘yung paglabas-labas.

 

“Kahit sa mall, kahit malalayo sila, huwag talaga. Kasi ako alam ko ‘yung mga precautions na dapat gawin, malayo ako sa mga tao, pero ito tinamaan,” paalala pa ng komedyante.

 

At kahit hindi pa kumpirmadong nahawahan siya ng killer virus, feeling ni Donita meron na talaga siya nito, “Iba-iba eh, hindi mo talaga masasabi kung sino meron. Mag-iingat kayo, hindi biro ‘yung COVID-19.

 

“Sa totoo lang noong una ayoko mag-live. Ayoko ipaalam sa tao na meron ako pero sabi ko mas maganda na malaman nila. Walang pinipiling tao ang COVID. Ako nga e, ganito ngayon, hindi natin maibabalik. Kailangan lang lumaban tayo, magpalakas,” aniya pa.

 

“Mahirap kasi mag-isa ka lang e. Laban mo ‘to dito talaga. Imbes na lumakas ang loob mo kung may kasama ka,” dugtong pa ni Donita.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May payo pa ang komedyana sa lahat ng mga nagda-diet ngayong panahon ng pandemya, “Sa mga nagda-diet ngayon, huwag kayo mag-diet.

“Huwag na muna talaga kayo mag-diet. Palakasin ninyo ang mga sarili ninyo. Kumain kayo nang kumain. Kasi ako medyo nag-diet ako noong nakaraan, eh,” lahad pa ng co-host ni Willie sa “Wowowin.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending