Jak Roberto may 5 years pa para pag-ipunan ang dream wedding ni Barbie | Bandera

Jak Roberto may 5 years pa para pag-ipunan ang dream wedding ni Barbie

Ervin Santiago - July 24, 2020 - 04:38 PM

 

MAY limang taon pa ang Pambansang Abs na si Jak Roberto para paghandaan ang kasal nila ni Barbie Forteza.

Marami ang nagdarasal na sana’y sa kasalan na nga mauwi ang relasyon ng well-loved Kapuso stars na talaga namang kinaiinggitan ng lahat ng young couple ngayon.

Mula nang maging magdyowa ang dalawa ay walang kanegahang balita na ibinato sa kanila, sa katunayan isa sila sa mga hinahangaan ng mga taga-showbiz dahil ang galing nilang humawak ng relasyon.

Naging magkarelasyon sina Barbie at Jak noong May 19, 2017 at mula rin noon ay nagtuluy-tuloy na ang pagsikat ng kanilang tambalan.

Sa isang panayam, natanong si Jak kung may napi-feel ba siyang pressure kapag napag-uusapan na nila ni Barbie ang tungkol sa kasal?

Inamin ng binata na medyo maaga pa para planuhin nila ang kasal, pero aniya, “Tuwing magkakaroon naman po ako ng karelasyon, kino-consider ko po na laging ‘yun ang last.

“Hindi naman sa ibinibigay ko ‘yung buo ko, pero kapag nasa relasyon ako, binibigay ko na ‘yung best ko,” kuwento ni Jak sa panayam ng Kapuso Showbiz News.

“Siguro preparation sa lahat ng planning in the future,” dugtong niya.

Pero para sa kanya, ano ang tamang edad ng pagpapakasal para masabing handa na siyang bumuo ng sariling pamilya?

“Marrying age? Siguro mga 30 plus, ganoon,” pahayag ng Kapuso hunk.

“Tsaka sabi niya (Barbie) mga 28 eh, gusto na niyang mag-settle. Sabi ko ‘Pressured naman ako!’ ‘Ilang taon ka na ba ngayon?’ sabi niya,” kuwento ni Jak habang tumatawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit pa niya, “Well, magtu-23 pa lang naman siya. So I still have five years to prepare.”

Sana nga’y sila na ang magkatuluyan sa ending at sigurado namang pag-iipunan talaga ni Jak ang dream wedding ni Barbie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending