Vice sa kapwa stand-up comedians: Awang-awa ako sa mga bakla, ang sakit-sakit sa puso | Bandera

Vice sa kapwa stand-up comedians: Awang-awa ako sa mga bakla, ang sakit-sakit sa puso

Ervin Santiago - July 22, 2020 - 09:53 AM

 

ISA sa mga rason kung bakit kinarir na ni Vice Ganda ang pagkakaroon ng sariling network ay para sa mga kaibigan niyang stand-up comedians na nawalan ng trabaho.

Ngayong Biyernes na, July 24, magsisimula ang operasyon ng Vice Ganda Network sa online world kung saan mapapanood ang ipinagmamalaki ng TV host-comedian na digital talkshow na “Gabing-gabi Na Vice.”

Ayon sa Phenomenal Box-office Star, bukod sa pag-reach out sa kanyang fans and followers, ang isa pa sa rason kung bakit niya binuo ang VGN ay para mabigyan na rin ng work ang mga stand-up comedian na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

“Ang vision ko lang talaga is very simple, very basic, to serve my purpose. To make the people happy. Yun ang dapat lagi kong maging compass sa lahat ng gagawin ko,” ang chika ng komedyante sa ginanap na digicon last Monday para sa launching ng Vice Ganda Network.

Sey pa ni Vice, “Kasama sa secondary objective ko ay makapagbigay ng trabaho sa mga bakla, yung mga stand-up comedians. Hindi pa man nagkakaroon ng problema ang ABS-CBN na-hit talaga ang mga komedyante.

“Yung live performances nawala. Ang mga comedy bars nagsara at hindi ko makitang magbubukas sila anytime soon dahil hindi rin naman puwede yung gatherings ng mararaming tao. So, nawalan ng hanapbuhay ang napakaraming komedyante at ang sakit-sakit sa puso ko nu’n.

“Most of them ay mga anak-anakan ko. Hindi puwedeng hahayaan ko lang silang ganun, so naisip ko to para mabigyan ko sila ng platform na makapag-perform pa ulit, bukod sa nagagawa nila yung passion nila, karagdagang kita para sa kanila,” lahad ng partner ni Ion Perez.

Patuloy pa niya, “Awang-awa ako sa mga bakla. Ang dami sa kanila ang down na down at depressed na depressed. Sobrang nag-aaala ako para sa kanila at isa itong paraan para maiahon ko sila do’n sa kawalan ng pag-asa, na hindi na nila magagawa yung pagpapatawa na mahal na mahal nila.”

Noong magsimula ang lockdown sa Metro Manila, sinamantala ni Vice ang pagkakataon na planuhin at plantsahin ang lahat ng kailangan para mabuo agad ang VGN.

“Ang dami kong gustong gawin na hindi ko magawa. Una, hindi kami nakakaere sa Showtime at that time dahil lockdown nga, so kailangan kong makahanap ng paraan kung paano ka makaka-reach out sa audience. Yon kasi ang pinaintindi sa amin sa ABS.

“Ngayong naka-lockdown at lahat kayo’y nasa bahay sabi ni Tita Cory (Vidanes) you still have to find the way to reach out to your audience. Hindi kayo puwedeng mawala sa kamalayan nila at hindi puwedeng hindi n’yo ma-serve yung purpose na sine-serve n’yo dati sa kanila. So, the only way is through digital and a lot of people migrated to digital.

“Then nagkakaroon na ng problema yung franchise ng ABS-CBN, so I needed to think of a way kung paano magkakaroon ng plataporma para sa akin na ipagpatuloy ko yung dati kong mga ginagawa kaya ipinanganak itong Vice Ganda Network,” chika pa ng TV host.

“Dito sa Vice Ganda Network marami silang dapat abangan, it’s all about good vibes. Marami akong content na ipo-post na makakapagpasaya ng mga manonood. Maraming bagong digital programs na gagawin ako na magpapatawa sa inyong lahat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mapapanood din nila dito yung Gabing-Gabi Na Vice, the usual late night talk show. Tapos yung Prize Ganda, game show na gagawin namin. Tapos meron din akong sitcom na binubuo, kaming mga bakla. May documentary din akong ilalabas at marami pa kayong bagong makikita,” aniya pa.

Siguradong excited na ang madlang pipol na mapanood ang mga pasabog sa Vice Ganda Network kaya mag-log on na kayo sa www.viceganda.com.ph. Now na!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending