#KapusoKapatid: Eat Bulaga Dabarkads may kanya-kanyang programa na sa TV5 | Bandera

#KapusoKapatid: Eat Bulaga Dabarkads may kanya-kanyang programa na sa TV5

Reggee Bonoan - July 19, 2020 - 06:01 PM

NAKUHA ng APT Entertainment ang primetime slot ng TV5 mula Lunes hanggang Biyernes bilang blocktimer.

Ang programang “Fill in the Banks” na iho-host ni Jose Manalo kasama ang isa pang girl ay mapapanood tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes sa ganap na 7 p.m.

“Bawal na Game Show” naman ang magiging programa nina Wally Bayola at Paolo Ballesteros kapag Martes, Huwebes at Sabado, 7 p.m din.

Sa pagkakaalam namin ay oras ito ng PBA, but since hindi pa sigurado kung kailan ang balik ng paboritong sports program ng lahat ay ibinigay muna sa APT Entertainment ang nasabing timeslot.

Ang “Bangong Talentadong Pinoy” ni Ryan Agoncillo naman ang mapapanood tuwing Sabado, 8 p.m. na co-produced ng TV5 at IdeaFirst Company.

Posibleng pagkatapos ng programa ni Ryan isusunod ang BL o Boys Love series nina Darwin Yu at Enzo Santiago na “My Extraordinary” produced ng AsterisK, sa ganap na 9 p.m..
Kung hindi magbabago ay bukas, Lunes na ang first taping day ng nasabing show. Pasok din ang “Fit for Life” tuwing Sabado, 10:30 a.m..

Dapat sana ay nitong Hulyo ang re-launching ng TV5 para sa pagbabalik ng kanilang entertainment programs pero hindi pa kasi kumpleto ang listahan at maraming producers pa ang nagpi-pitch ng kanilang shows sa management.

Samantala, ang nasulat na postponement na programa ni Kris Aquino sa TV5 na “Love Life with Kris” ay hindi na talaga matutuloy pa base na rin sa kuwentong nakalap namin.

Walang alam si Kris at ang Cornerstone Entertainment sa takbo ng usapan ng producer ng show at TV5 dahil hindi naman sila isinama sa ginanap na meeting.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending