Empleyado ng PTV positibo sa COVID-19; network pansamantalang mawawala sa ere
Pansamantalang mawawala sa ere ang People’s Television Network ngayong Linggo para magsagawa ng disinfection matapos magpositibo sa coronavirus ang isang empleyado nito.
“Ang kalusugan at kaligtasan ng aming media frontline workers ay nananatiling pangunahin sa aming prayoridad,” ayon sa pahayag ng PTV ngayong Sabado.
Siniguro naman ng state-run network na tuluy-tuloy pa rin ang daloy ng mga balita at impormasyon sa pamamagitan ng mga social media plaftforms nito.
“Dagdag pa dito, nakahanda ang Quick Response Team para sa anumang kagyat at mahahalagang balita sa araw na iyon na ipapaabot sa pamamagitan ng mga online channels,” anang PTV.
Magbabalik ang PTV sa normal na operasyon ngayong Lunes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.